GMA Kapuso Foundation, nakalikom ng 251 blood bags sa Sagip-Dugtong Buhay bloodletting project | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Nagdaos ng bloodletting ang GMA Kapuso Foundation sa Camp O'Donell sa ilalim ng Sagip-Dugtong Buhay project.

GMA Kapuso Foundation, nakalikom ng 251 blood bags sa Sagip-Dugtong Buhay bloodletting project

By MARAH RUIZ

Nagsanib puwersa muli ang GMA Kapuso Foundation at Philippine Red Cross para magdaos ng Sagip-Dugtong Buhay bloodletting project.

Ginawa ito sa Camp O'Donell sa Tarlac noong March 29 sa tulong ng Training and Doctrine Command ng Philippine Army.

Isa sa mga nag-donate ng dugo ay ang trainee na si John Rey Galido.

Ikalimang beses na raw niyang magdo-donate dahil siya mismo, naranasan na mangailangan ng dugo.

"Noong 2015 kasi, na-dengue ako. Need ko ng dalawang bag ng dugo, eh walang nagdo-donate ng dugo. Napilitan kaming maghanap ng pera para makabili ng dugo," paggunita ni John Rey.

Ito raw ang nagsilbing inspirasyon sa kanya para magbigay ng dugo kung may pagkakataon.

"Noong panahon na ako 'yung may kailangan, hindi ako nabibigyan. Siyempre, 'yung mga may kailangan gusto kong bigyan sila dugo," ani John Rey.

Nakalikom ang GMA Kapuso Foundation at Philippine Red Cross ng 251 blood bags sa Sagip-Dugtong Buhay bloodletting project sa Camp O'Donell.

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakiisa sa proyekto ng Philippine Red Cross, Del Monte Foundation, JCG Marketing Group Inc, at Philippine Army Training and Doctrine Command.

Kung nais niyong magkaroon ng bloodletting project sa inyong lugar, makipag-ugnayan lang sa GMA Kapuso Foundation at sa Philippine Red Cross sa mga pamamagitan ng mga numerong ito.

 

 


Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya,  GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.

Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee, Zalora, Mega Mart, at Lazada.