Isang senior citizen, nanawagan ng sewing machine sa GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Sumulat sa GMA Kapuso Foundation ang isang 69-year-old na ina mula sa Bulacan para humiling ng sewing machine.  

Isang senior citizen, nanawagan ng sewing machine sa GMA Kapuso Foundation

By MARAH RUIZ

Simula noong high school hanggang sa nagkaroon na ng sariling pamilya, pagtatahi ang pinagkakaikitaan ng 69-year-old na si Flor Lariba mula sa San Jose del Monte, Bulacan.

Pangarap niya noon na magkaroon ng sariling patahinan pero hindi pinalad.

Ngayon, pananahi ng basahan anag kaniyang hanapbuhay pero wala siyang sarling makina.

 

 

 

 

"Nananahi ako doon sa kapatid ko so Montalban. Hindi naman isang araw lang ako nandodoon kasi tatapusin ko 'yung mga tahi ko, kung saan naman ako kukuha ng pamasahe ko," paliwanag ni Flor

Kulang din ang kinikita ng mga anak at apo para sa panggastos nila sa araw araw. Kaya naman ginugupit ni Flor ang mga lumang damit para tahiin at gawing basahan.

"Gusto ko magkaroon ako ng highspeed [sewing machine] kasi lahat tatahiin ko. Pati shorts ng bata, pati kurtina at punda ng unan, tatahiin ko din para ako kumita ng pera," pahayag niya.

Sumulat si nanay Flor sa GMA Kapuso Foundation para sa hiling niya sa kaniyang kaarawan.

"Kaya naisipan ko, ako lang may isip noon kasi napakinggan ko minsan sa radyo, may babaeng nagsalita na taga Cavite, natulugnan ni Tita Mel [Tiangco]. Baka sakaling matulungan ako," lahad ni Flor.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya,  GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.

Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee, Zalora, Mega Mart, at Lazada.