GMA Kapuso Foundation, naghandog ng sewing machine sa isang letter sender | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Sumulat sa GMA Kapuso Foundation ang isang 69-year-old na ina para humiling ng sewing machine.

GMA Kapuso Foundation, naghandog ng sewing machine sa isang letter sender

By MARAH RUIZ

Nagpadala ng sulat sa GMA Kapuso Foundation si Flor Lariba, isang 69-year-old na ina mula sa San Jose del Monte, Bulacan para humiling ng sewing machine.

Hiling niya ito para sa kanyang kaarawan at makakatulong ito sa kanyang paghahanapbuhay.

Mula kasi sa kanilang tahanan sa Bulacan, tumutungo si Flor sa Montalban, Rizal para lamang manahi ng mga basahan. Umaabot ng P200 ang kanyang pamasahe. Naibebenta naman niya ang mga basahan ng P5 kada tatlong piraso.

"Minsan naawa na rin ako sa nanay ko kasi matanda na po, hindi na po dapat nagtatrabaho ng ganyan. Pero talagang desidido siyang makatulong sa amin. Kaya nga po 'yung pagtitinda ng basahan, tinutulungan ko po talaga siya," pahayag ni Mary Ann Lariba, anak ni Flor.

Kulang kasi ang kita ng anak na umeekstra bilang construction worker at apo na encoder.

Bilang tugon sa kanyang hiling, hinandugan ng GMA Kapuso Foundation si Flor ng hiling niyang sewing machine at mga tela para sa kanyang hanapbuhay.

 

 

 

 

At dahil nagse-celebrate din siya ng kanyang 70th birthday, may regalo pang grocery packs, cake, pancit, damit, banig, vitamins at face mask ang GMA Kapuso Foundation para sa kanya.

Bukod doon, pinagawan din ng pustiso ng GMA Kapuso Foundation si Flor.

"Katuwang ko sa paghahanapbuhay kaya maraming maraming salamat kay Tita Mel Tiangco na binigyan niya ng pansin nag sulat ko," pasasalamat naman ni Flor.

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakiiisa ng Pitmaster Foundation at ni Dr. Noel Velasco sa proyekto.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maaari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya,  GCash, Globe Rewards at Metrobank credit card.

Puwede ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee, Zalora, Mega Mart, at Lazada.

Panoorin ang report DITO.