GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng libreng breast examination at pap smear sa mga kababaihan sa Cavite | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Nagbigay ng libreng breast examination at pap smear ang GMA Kapuso Foundation para sa mga kababaihan sa Trece Martires, Cavite.

GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng libreng breast examination at pap smear sa mga kababaihan sa Cavite

By MARAH RUIZ

Isang bagger ng mushroom si Teresita Atienza mula sa Trece Martires, Cavite.

Minsan naggagapas din siya ng damo para may pandagdag sa kanyang kita.

May simpleng hiling lang siya para sa kanyang 64th birthday.

"Sana po, magkaroon ako ng washing (machine). Hindi naman po ako makabili dahil wala naman talaga 'kong pera. Napapagod na po ako sa paglalaba," lahad ni Teresita.

Agad siyang binalikan ng GMA Kapuso Foundation para handugan ng washing machine.

 

 


Nagbigay rin ng free medical consultation ang GMA Kapuso Foundation para sa 100 kasamahan sa trabaho ni Teresita.

71 naman sa mga ito ang sumailalim sa pap smear at breast exam.

Bilang maagang Mother's Day gift, hinandugan din sila ng grocery packs, mamon, face mask, vitamins, tsinelas, at beauty kits.

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa sa proyekto ng Del Monte Foundation, Jollibee Group, Red Ribbon Bakeshop, AOS International Herbs, Vegiemax, Nivea, at Maxiplex International Phils. Corporation.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya,  GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.

Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee, Zalora, Mega Mart, at Lazada.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card. Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee, Zalora, Mega Mart, at Lazada.
Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card. Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee, Zalora, Mega Mart, at Lazada.