GMA Kapuso Foundation, naghandog ng wheelchair sa isang batang may cerebral palsy | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Nanawagan as GMA Kapuso Foundaton ng wheelchair ang isang ina para sa kanyang anak na may cerebral palsy.

GMA Kapuso Foundation, naghandog ng wheelchair sa isang batang may cerebral palsy

By MARAH RUIZ

Isang makeshift wheelchair ang ginagamit ng 12-year-old na si Jhonrey na may cerebral palsy.

Gawa ito sa pira-pirasong kahoy, lubid ang naging sandalan, at mga gulong na halos hindi na umiikot dahil sa kalawang.

"Ako ang nasasakatan. 'Yung mga likod, 'yung puwet niya, masakit talaga 'pag umupo siya kasi matigas 'yung kahoy na nilagay ko. Nilagyan ko lang ng tela 'yung likod niya para hindi masakit 'pag nakasandal siya," paliwanag ng kanyang inang si Gina Agradacia.

Minsang namasukan bilang isang kasambahay si Gina para may pangtustos sa kanyang limang anak. Pero dahil lumalaki na si Jhonrey, mas kailangan na nito ng kanyang aruga.

Sumulat si Gina sa Facebook page ng GMA Kapuso Foundation para humiling ng maayos na wheelchair para kay Jhonrey.

Agad namang tumungo ang GMA Kapuso Foundation sa kanilang tahanan sa Silay City, Negros Occidental para hatiran si Jhonrey ng grocery packs, diapers, playmats, at bagong wheelchair.

"Nagpapasalamat po ako ng malaki sa GMA Kapuso Foundnation kasi po kahit malayo po kami, narating din kami ng tulong," ayon pa kay Gina.

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng Lotus Tools Philippines.

Samantala, may nationwide project ang GMA Kapuso Foundation tuwing Hulyo, kasabay ng National Disability Prevention and Rehabilitaion Week.

Sa mga nangangailangan ng wheelchair, wheelchair o prosthetic hand, makipag-ugnayan lamang sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng sumusunod na contact information.

 

 


Sa mga nais mag-abot ng tulong sa proyektong it at maging sa iba pang mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya,  GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.

Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee, Zalora, Mega Mart, at Lazada.