GMA Kapuso Foundation, nakatanggap ng mga donasyon para sa pagpapatayo ng apat na clasroom sa Siargao | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Nakatanggap ang GMA Kapuso Foundation ng mga donasyon mula sa Apex Mining Co. Inc. at New Zealand Embassy na gagamitin para sa pagpapatayo ng apat na classroom sa Siargao.

GMA Kapuso Foundation, nakatanggap ng mga donasyon para sa pagpapatayo ng apat na clasroom sa Siargao

By MARAH RUIZ

Noong tumama ang bayong Odette sa munisipalidad ng Burgos sa Siargao, maraming residente ang lumikas sa Baybay Elementary School.

Sa kasamaang palad, nawasak din ng bagyo ng ilang classrooms ng paaralan.

Ngayong bumabalik na ang face to face classes, problema ng mga guro at mag-aaral ang maayos at ligtas na classrooms na maaring gamitin.

"We are appealing to your kind hearts. We need your help for the children," pahayag ni Nelia S. Lomocoso, school division superintendent ng DepEd Siargao.

Nitong nakaraang linggo, nakatanggap ang GMA Kapuso Foundation ng PhP 2 million na donation mula sa Apex Mining Co. Inc.

"We would like to help in the recovery efforts, at the same time, makatulong lalo na doon sa mga nasalanta ng mga bagyo kaya gusto namin na ituloy 'yung ganitong activities with GMA Kapuso Foundation," pahayag ni Louie R. Sarmiento, President and CEO ng Apex Mining.

Nabigyan din ang GMA Kapuso Foundation ng NZD 25,000 grant ng New Zealand Embassy para sa pagpapatayo ng bagong wing sa Baybay Elementary School.

"When we look to award grants, we look first of all at the need. Then we look at the partner. In the case of this particular project, we saw that the partner was competent and effective," pahayag ni Petel Kell, New Zealand Ambassador to the Philippines.

 

 

Ang mga donasyon na ito ay gagamitin sa pagpapatayo apat na matitibay na classroom na earthquake resistant hanggang intensity 8 na lindol at kayang harapin ang mga bagyong may hangin mula 280 to 300 kph.

"Pinangangalagaan po namin ang inyong pagtitiwala at makasisiguro po kayo na 'yung mga tulong na binibigay n'yo, makakarating po sa ating mga benepisyaryo," pahayag ni Rikki Escudero-Catibog, EVP and COO ng GMA Kapuso Foundation.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa proyektong it at maging sa iba pang mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maaari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya,  GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.

Maaari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee, Zalora, Mega Mart, at Lazada.