GMA Kapuso Foundation, nakalikom ng 122 blood bags sa ginawang bloodletting project | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Nakalikom ng 122 blood bags ang GMA Kapuso Foundation sa isinagawa nitong Sagip Dugtong Buhay bloodletting project.

GMA Kapuso Foundation, nakalikom ng 122 blood bags sa ginawang bloodletting project

By MARAH RUIZ

Dahil sa lockdowns, naging limitado ang supply ng dugo sa mga pagamutan.

Para mapunan ang kakulangan na ito, patuloy na nagsagawa ang GMA Kapuso Foundation ng mga bloodletting activities na alinsunod sa mga itinakdang health and safety protocols.

"Ngayon po ulit na Level 1, maaari pong pumunta sa ating mga blood centers. Magfi-fill up ng form, magpapa-screening and then 'pag napayagan, magdo-donate na po ng dugo," paliwanag ni Gerald Angelo Valeriano, medical officer ng Philippine Red Cross sa proseso ng blood donation.

Ipinaaalala rin niyang dapat nakatulog ng anim hanggang walong oras at nakakain ang isang tao bago mag-donate ng dugo.

Dahil nasa pandemya pa rin tayo, mahigpit pa ring sinusuond ang health and safety protocol gaya ng pagsusuot ng mask at social distancing. Dapat din, walang nararamadaman kahit anong sintomas ng COVID-19.

Nagsagawa ang GMA Kapuso Foundation katuwang ang Philippine Red Cross ng Sagip Dugtong Buhay bloodletting project sa Fort Bonifacio kung saan nakalikom ng 122 blood bags.

 

 

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng Philippine Navy, Philippine Fleet, Philippine Marine Corps, Naval Sea System Command, Naval Installation Command, Naval Reserve Command, Naval Combat Engineering Brigade, Naval Special Operations Command, Civil Military Operations Group-Philippine Navy, Naval Logistics Center, Fleet Marine Ready Force, Naval Personal Management Center, Philippine Red Cross, Del Monte Foundation, Jollibee Group, Dunkin', at Blue Edge Medical Group.

Samantala, kung ikaw ay isang blood donor na nangangailangan ng dugo, ipakita lang ang blood request form at blood donor card sa ospital o sa mga blood centers at chapters para ma-prioritize ang iyong request.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa proyektong ito at maging sa iba pang mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maaari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya,  GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.

Maaari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee, Zalora, Mega Mart, at Lazada.