GMA Kapuso Foundation, magpapatayo ng apat na classrooms para sa isang paaralan sa Limasawa Island | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Apat na classrooms na may apat ng comfort rooms ang ipapatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Magallanes Elementary School sa Limasawa Island.

GMA Kapuso Foundation, magpapatayo ng apat na classrooms para sa isang paaralan sa Limasawa Island

By MARAH RUIZ

Malaking pinsala ag iniwan ng bagyong Odette sa Limasawa Island, kabilang ang Magallanes Elementary School.

Ang mga guro at estudyante dito, nagtiyaga munang magkaroon ng face-to-face classes sa loob ng tent.

Hiling ng mga mag-aaral doon na maipaayos ang kanilang classrooms.

 

 

Agad namang tumugon ang GMA Kapuso Foundation at nagdaos ng groundbreaking ceremony sa Magallanes Elementary School. Apat na classrooms na may apat na comfort rooms ang ipapatayo dito.

"We hope to finish it in October. However, we will try to see, we will do our best, if we can make it earlier in view of the fact na magsa-start na rin 'yung face-to-face classes," pahayag ni Rikki Escudero-Catibog, EVP and COO ng GMA Kapuso Foundation.

Mas pinaganda at mas pinatibay ang mga classrooms na maari pang maging takbuhan sa panahon ng sakuna.

"This will be a disaster-resilient classroom. It can withstand up to 280 kph wind speed. Sa lindol naman, 8.0 magnitude earthquake," paliwanag naman ni Engr. Ed Eniego, senior project engineer ng GMA Kapuso Foundation.

Bukod dito, nagbigay din ng kumpletong gamit pang eskuwela ang GMA Kapuso Foundation sa mga mag-aaral.

Nagpapasalamat din ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng PPG Coatings (Philippines) Inc., Manila Water Foundation, Xylem, Planet Water Foundation, Cemex Philippines, PAL Foundation, Meridian Shipping and Container Carrier Inc., Philippine Army, 8th Infantry Division, 802nd Infantry Brigade, at 14th Infantry Battalion.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa iba pang mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maaari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.

Maaari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee, Zalora, Mega Mart, at Lazada.