GMA Kapuso Foundation, naghatid ng mga gamot at iba pang ayuda para sa mga apektado ng flash floods sa Banaue, Ifugao | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Naghatid ng graocery packs, gamot, first aid kits, at iba pang ayuda ang GMA Kapuso Foundation para sa mga apektado ng flash floods sa Banaue, Ifugao.

GMA Kapuso Foundation, naghatid ng mga gamot at iba pang ayuda para sa mga apektado ng flash floods sa Banaue, Ifugao

By MARAH RUIZ

Nagtungo ang GMA Kapuso Foundation sa Banaue, Ifugao para maghatid ng tulong sa mga naapektuhan ng flash flood.

Madalas pa ring nakararanas ng pag-ulan sa lugar kaya pinuntahan ng GMA Kapuso Foundation ang mg barangay na higit na nangangailangan ng tulong.

Sa Brgy. Tam-an, natabunan ng lupa ang mga gamit ng mga magsasaka. Hanggang ngayon, nakabaon pa rin ito sa lupa.

Kaya naman nagsama ang GMA Kapuso Foundation at Lotus Tools Philippines para magbigay ng 124 na brand new na mga pala na gagamitin sa clearing operations sa mga landslide sa Banaue, Ifugao.

 

 

"Magagamit din natin sa mga putik na pumasok sa mga paaralan, mga goverment establishments at saka sa iba pang mga households," pahayag ni Capt. Karol Jay R. Mendoza. CMO Officer, 51D, Philippine Army.

Para matulungan ang mga residente ng Brgy Tam-am, pinagtulungan ng 54th Infantry Battalion at 5th Infantry Divison ng Philippine Army na hukayin ang mga gamit ng mga magsasaka.

"We moved down to the government buildings purposely to clear all the government schools and buildings. Probably, kung sakali man darating muli 'yung [flash floods,] may prepared na evacuation centers natin," lahad ni Maj. Robert Mangyao, Battalion Commander, Ifugao, Army Reservist.

Nagbigay rin ng grocery packs ang GMA Kapuso Foundation para sa mga residenteng apektado ng flash floods.

Bukod dito, naghatid din ang GMA Kapuso Foundation ng gamot, vitamins, first aid kits, at supplements sa mga health centers sa Brgy. Viewpoint, Brgy. Tam-an at Brgy Amganan.

"Nagpapasalamat kami sa inyo kasi nagbigay kayo ng ascorbic acid. Halos 'yun po 'yung binibigay ko lalo kapag sa mga inuubo," mensahe ni Jesselyn Mae Daguio, rural health unit midwife-1 sa Viewpoint Health Station.

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng Armed Forces of the Philippines; Philippine Army, Northern Luzon Command, 54th Infantry Battalion; Lotus Tools Philippines; Maxiplex Corporation; at Goldshine Pharmaceuticals Inc. sa proyekto.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.

Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.