GMA Kapuso Foundation, isinagawa na ang ikalawang bugso ng relief operations sa Abra | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Muling naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa mga lugar na naapektuhan ng magnitude 7 na lindol sa Abra.

GMA Kapuso Foundation, isinagawa na ang ikalawang bugso ng relief operations sa Abra

By MARAH RUIZ

Nasa ikalawang bugso na ang Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation sa pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng magnitude 7 na lindol sa Abra.

Naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng relief goods, tinapay, at hygiene kits sa munisipalidad ng San Juan sa Abra.

Mahigit 2,500 indibidwal mula sa Brgy. Cabcaborao at Brgy. Quidaoen ang natulungan dito.

Katuwang ng GMA Kapuso Foundation sa operasyon ang Armed Forces of the Philippines Civil Military Operations Regiment, Philippine Army 24th Infantry Battalion, at LGU ng San Juan, Abra.

 

 

 

Una nang naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagsasagawa ng feeding program sa Abra Provincial Hospital at evacuees ng Brgy. San Gregorio kung saan 350 indibigwal ang nabigyan ng lugaw, itlog, at donuts.

 

 

Naghatid din ang GMA Kapuso Foundation ng relief goods, tsinelas, hygiene kits, vitamins, at tubig sa 6,000 indibidwal sa bayan ng Tayum at Bucay, Abra.

Katuwang dito ng GMA Kapuso Foundation ang Armed Forces of the Philippines Civil Military Operations Regiment, Philippine Army 24th Infantry Battalion; DepEd Abra, PNP Tayum, BFP Tayum, at Dunkin'.

 

 

 

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.

Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.