GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa mahigit 10,000 residenteng apektado ng lindol sa Abra | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Mahigit 10,000 residente sa Abra na naapektuhan ng malakas na lindol ang natulungan ng GMA Kapuso Foundation.

GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa mahigit 10,000 residenteng apektado ng lindol sa Abra

By MARAH RUIZ

Tuloy-tuloy ang Operation Baynihan ng GMA Kapuso Foundation para sa mga naapektuhan ng malakas na lindol sa Abra.

Nakapaghatid ang GMA Kapuso Foundation ng relief goods, tinapay, at hygiene kits sa anim na barangay sa bayan ng San Juan.

Para naman mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente, nagbigay din ng gamot at vitamins ang GMA Kapuso Foundation sa Abra Provincial Hospital.

 

 

Salamat sa mga sponsors at donors, matagumpay na nakapaghatid ang GMA Kapuso Foundation ng tulong sa mahigit 10,000 indibidwal sa mga bayan ng Bangued, Tayum, Bucay, at San Juan.

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa patuloy na pakikiisa ng Armed Forces of the Philippines Civil Military Operations Regiment, Philippine Army 24th Infantry Battalion, at LGU ng San Juan, Abra sa Operation Bayanihan.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.

Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.