GMA Kapuso Foundation, naghandog ng libreng eyeglasses sa mga mag-aaral at magulang sa Navotas | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Ang proyektong ito bahagi ng pagdiriwang ng Sight Saving Month at pati na rin ang kaarawan ni GMA Kapuso Foundation founder and ambassador Mel Tiangco.

GMA Kapuso Foundation, naghandog ng libreng eyeglasses sa mga mag-aaral at magulang sa Navotas

By MARAH RUIZ

Kahapon, August 10, ipinadiwang ni GMA Kapuso Foundation founder and ambassador Mel Tiangco ang kanyang kaarawan.

Tulad ng nakagawian niya bawat taon, tuloy ang pagbibigay niya ng serbisyo sa mga Kapuso.

Kabilang sa napasaya at nahandugan ng regalo ni Tita Mel sa kaarawan niya ngayong taon ang mga estudyante mula Navotas, pati na mga magulang nila.

Kasabay ng pagdiriwang ng Sight Saving Month ngayong buwan ng Agosto, nagsagawa ang GMA Kapuso Foundation ng libreng eye check up, lecture kung paano mapapangalagaan ang mata, at namigay na rin ng libreng salamin sa mga mag-aaral at magulang nila bilang bahagi ng Kapuso 20/20 Eye Project. Katuwang ng GMA Kapuso Foundation dito ang Asia-Pacific Eye Center.

Nagkaroon din ng munting salu-salo kasama ang beneficiaries bilang simpleng selebrasyon ng bithday ni Tita Mel. Nakatanggap din sila ng hygiene kits at vitamins mula sa Rhea Generics and Philusa.
 

 

 



Bago nagsimula ang programa, sumailamin muna sa COVID-19 antigen test ang beneficiaries sa tulong ng Clearbridge Medical Philippines at suwerte namang lahat ay negative.

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa sa proyekto nina Tess Bomb, Fernando's Bakeshop, Asia-Pacific Eye Center, Northbay Boulevard North Elementary School, City Health Office-Navotas, Brgy. NBBN Health Center, Clearbridge Medical Philippines Incorporated Diagnostic and Dialysis Center, Angel's Pizza, Frankie's New York Buffalo Wings, Rhea generics at Philusa.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.

Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.