GMA Kapuso Foundation, namigay ng libreng hand and arm prosthesis | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Bukod sa hand and arm prosthesis, namahagi rin ang GMA Kapuso Foundation ng strollers at wheelchairs.

GMA Kapuso Foundation, namigay ng libreng hand and arm prosthesis

By MARAH RUIZ

Isang ice drop vendor ang 55-year-old na si Romeo Villacampa mula sa Gumaca, Quezon.

Patuloy siyang nagtatrabaho kahit naputol ang kaniyang kanang braso matapos makuryente sa dating pinapasukang construction site.

"Pagsungkit ko, nasungkit ko po 'yung sa division na may hawak ng kuryente kaya po tumalbog. Sunog ang ganito ko, buong braso, maitim. Tapos 'yung kamay, maambok na naluto ho," paggunita ni Romeo sa kaniyang aksidente.

Kabilang siya sa anim na indibidwal na nabigyan ng GMA Kapuso Foundation ng libreng arm and hand prosthesis kasama ang ilang kapulisan.

Bukod dito, namigay rin ang GMA Kapuso Foundation ng strollers, pediatric at standard wheelcharis sa 30 kababayan na may iba't ibang karamdaman sa Dumaguete City sa Negros Oriental.

 

 

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng LN-4 Foundation; Naked Wolves Philippines; PNP Headquarters; PNP Dumaguete; Philippine Army 3rd Infantry Division, 62nd Infantry Battalion; PSWDO Negros Oriental; Lotus Tools PH; Giant Carrier; at Venice 66 Fashions Inc. (Vans Philippines).

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.

Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.