Mga silid-aralang ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation, nagsilbing silungan ng ilang mga residente | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Nagsilbing silingan ng ilang residenteng apektado ng bagyong Karding ang mga classrooms na ipinatayo ng GMA Kapusp Foundation.

Mga silid-aralang ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation, nagsilbing silungan ng ilang mga residente

By MARAH RUIZ

Nakapagpatayo na ng 492 Kapuso classrooms sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas ang GMA Kapuso Foundation.

Ang mga matitibay na silid-aralang ito ang nagsilbing silungan ng ilang residenteng apektado ng bagyong Karding sa Quezon at Aurora.

 

 

Sumilong sa Kapuso classroom sa Tudturan Elementary School sa Infanta, Quezon, ang pamilya ni Glenda Sanchez.

Ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation ang classroom na ito noong 2005 at ipina-rehabilitate ang lima pang classrooms sa paaralan noong 2019.

Sa classrooms na ito rin daw talaga pinapatuloy ang mga lumikas tuwing may preemptive o kayay ay forced evacuation sa kanilang lugar.

"Ang pakiramdam ko po, safe na safe kaming pamilya dito, pati anak ko, apo ko," pahayag ni Glenda.

Nagpapasalamat naman si Michelle Platino, teacher II sa Batangan Elementary School sa General Nakar dahil hindi natibag ng bagyo ang tatlong silid-aralan n ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation, lalo na at may face to face classes na muli.

"Mahagala 'yung matibay na classroom para sa mag-aaral dahil hindi na namin kailangan humingi ng tulong," paliwanag ni Glenda.

Nanatili ring matibay ang anim na silid-aralan ng ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Villa Aurora Elementary School sa Aurora.

"Hindi siya basta basta masisira ng kahit na anong lindol or mga disaster. 'Yung ating bubong ay pinagtibay natin na talagang naka-anchor siya doon sa ating mga walls para kahit gaano kalakas ang bagyo, hindi siya liliparin ng hangin," paliwanag ni Engr. Ed Eniego, senior engineer ng GMA Kapuso Foundation.

"Testamento ito sa commitment ng GMA Kapuso Foundation para magtayo gn mga developmental infrastructure projects na talagang maasahan ng madlang Pilipino. Maraming salamat po sa suporta ninyo sa aming mga programa," pahayag naman ni Rikki Escudero-Catibog, EVP and COO ng GMA Kapuso Foundation.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.

Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.