GMA Kapuso Foundation, nagdala ng relief goods sa mga apektado ng bagyong Paeng sa Antique | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Nagdala ng relief goods ang GMA Kapuso Foundation para sa 1,000 pamilyang apektado ng bagyong Paeng sa Antique.

GMA Kapuso Foundation, nagdala ng relief goods sa mga apektado ng bagyong Paeng sa Antique

By MARAH RUIZ

Pagsasaka ang pangunahing kabuhayan sa San Jose, Antique kaya naman mga palayan ang matinding napuruhan ng bagyong Paeng sa lugar.

Isa sa mga apektado ang magsasakang si Ana Liza Trinidad.

"Siyempre nanlulumo ka. Ano na lang nangyari? Wala na. Ito lang ang ikinabubuhay namin. 'Pag wala kaming pagsasaka, wala kaming makain," emosyonal na pahayag ni Ana Liza.

Abala sila ngayon sa pagpapatuyo ng nabasang palay na puwede pang pakinabangan. Kung dati ay maibebenta pa nila ito ng PhP13 kada kilo, suwerte na raw kung maibenta pa ito ng PhP8 kada kilo.

 

 

Sa pagpapatuloy ng Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation, nakapaghatid ng relief goods para sa 1,000 pamilya sa bayan ng San Jose at Hamtic sa Antique.

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa patuloy na pakikiisa ng Scientific Biotech Specialties Inc.; AFP JTF-NCR; Philippine Army 3rd Infantry Division, 301st Infantry Brigade, 61st Infantry Battalion, Reserve Command, 6th Regional Community Defense Group, 602nd Community Defense Center, 602nd Ready Reserve Infantry Battalion, 1st Naval Company, 813rd Naval Aquadron Reserve, Naval Reserve Center-Western Visayas; at DepEd Antique.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maaari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at GCash.

Maaari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.