'Kapuso Celebrity Ukay-Ukay' ng GMA Kapuso Foundation, dinagsa ng mga mamimili sa Noel Bazaar 2022 | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Matagumpay ang naging pagsisimula ng 'Kapuso Celebrity Ukay-Ukay' ng GMA Kapuso Foundation sa Noel Bazaar 2022.

'Kapuso Celebrity Ukay-Ukay' ng GMA Kapuso Foundation, dinagsa ng mga mamimili sa Noel Bazaar 2022

By JIMBOY NAPOLES

Dinagsa ng maraming mamimili ang inihandang 'Kapuso Celebrity Ukay-Ukay' ng GMA Kapuso Foundation sa Noel Bazaar 2022 sa Manila, kamakailan. 

Ang mga paninda rito ay mga pre-loved items mula sa Kapuso celebrities kabilang na sina Primetime Queen Marian Rivera, Bea Alonzo, Heart Evangelista, Max Collins at Rhian Ramos. 

Ayon kay GMA Kapuso Foundation Executive Vice President and Chief Operating Officer Rikki Escudero-Catibog, ang kikitain dito ay mapupunta sa dalawa nilang nakapilang proyekto. 

Aniya, "'Yung isa is 'Unang Hakbang para sa Kinabukasan 2023' and of course para sa ating 'Operation Bayanihan.'" 

Ang Kapuso actress na si Max ang isa sa mismong nagpa-auction sa nasabing event kung saan ibinenta niya ang kanyang sariling shades at dress. 

"It's for a great cause so siyempre I want to sell something that somebody will be happy to buy," ani Max. 

Dalawa sa mga na-mine ng mga napunta sa nasabing bazaar ay ang bag ni Heart at sapatos ng Start-Up PH actress na si Bea. 

Nagpapasalamat naman ang GMA Kapuso Foundation sa Cut Unlimited Inc. na kanilang naging katuwang sa proyektong ito. 

Sa mga hindi nakapunta, magpapatuloy ang 'Kapuso Celebrity Ukay-Ukay' sa Noel Bazaar sa Filinvest Tent Alabang ngayong darating na November 18 hanggang November 20 kasama ang Kapuso actress at GMA Kapuso Foundation Ambassador Jasmine Curtis-Smith. 

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maaari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at GCash.

Maaari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.