Pre-loved clothes ng ilang GMA News personalities, mabibili sa 'Kapuso Celebrity Ukay-Ukay' ng GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Mabibili ang pre-loved clothes ng ilang GMA News personalities sa 'Kapuso Celebrity Ukay-Ukay' ng GMA Kapuso Foundation sa Noel Bazaar 2022 sa Pasay simula November 25 hanggang November 30.

Pre-loved clothes ng ilang GMA News personalities, mabibili sa 'Kapuso Celebrity Ukay-Ukay' ng GMA Kapuso Foundation

By JIMBOY NAPOLES

Bukod sa mga personal items ng inyong paboritong Kapuso stars, mabibili na rin ang pre-loved clothes ng ilang GMA Integrated News Anchors at GMA Public Affairs hosts sa 'Kapuso Celebrity Ukay-Ukay' ng GMA Kapuso Foundation sa Noel Bazaar 2022 sa Pasay simula November 25 hanggang November 30. 

Ilan sa inyong mga mabibili rito ay ang formal suits ng I-Witness host na si Howie Severino at trendy dresses ng Saksi anchor na si Pia Arcangel. 

"Matagal ko silang nagamit at nasuot ko sila sa mga importante kong tungkulin bilang isang mamamahayag," ani Howie sa isang panayam sa kanya ng 24 Oras. 

"Meron ding akong mga nilagay from different shoots ng Public Affairs na medyo mas casual nang konti para may variety talaga," kuwento naman ni Pia sa nabanggit na programa. 

Nagbigay din kanilang mga magagandang personal items sina GMA news reporter and host Mav Gonzales, GMA Entertainment News correspondent Nelson Canlas, award-winning journalists na sina Kara David, Sandra Aguinaldo, at Jessica Soho. 

I-mine na ang pre-loved items na ito sa 'Kapuso Celebrity Ukay-Ukay' sa Noel Bazaar 2022 sa World Trade Center sa Pasay City ngayong November 25 hanggang November 30. 

Sa mga nais namang mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maaari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at GCash.

Puwede ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.