GMA Kapuso Foundation, naghatid ng mga regalo para sa mag-aaral sa Southern Leyte
December 22 2022
By MARAH RUIZ
Ni minsan, hindi aw naranasan ng 11-year old na si Maila Baldoza na magkaroon ng bagong tsinelas at damit.
Kund hindi butas ang suwelas, pinaglumaan ng kanyang mga kapatid at pinsan ang kanyang ginagamit.
"Wala akong bagong damit kasi wala kaming pambili," lahad ni Maila.
"Masakit sa pakiramdam na hindi ko maibigay ang kanilang mga gusto. Minsan, wala silang baon," pahayag naman ni Luz Baldoza, nanay ni Maila.
Gayunpaman, ito'y hindi hadlang para magsumikap si Maila sa pag-aaral. May simpleng hiling lang din siya ngayong parating na Pasko.
"'Yung wish ko ngayong Pasko, bagong damit at tsinelas," aniya.
Kaya naman agad itong tinupad ng GMA Kapuso Foundation.
Bukod dito, isa siya sa 2,400 mag-aaral sa Sogod, Southern Leyte na nakatanggap ng gift bags na may lamang laruan, noche buena package at hygeine kits sa pagpapatuloy ng Give A Gift: Alay sa Batang Pinoy Christmas project ng GMA Kapuso Foundation.
Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa sa proyekto ng Crystal Clear; One Step Test by Getein & Distributed by Mohs Analytics; Casino; Philippine Army 8th Infantry Division, 802nd Infantry Brigade, 14th Infantry Battalion; at Champion.
Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at GCash.
Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.
Comments
comments powered by Disqus