GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa mga magsasaka sa Nueva Ecija | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa mga magsasaka mula sa Nueva Ecija.

GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa mga magsasaka sa Nueva Ecija

By MARAH RUIZ

Mga tinaguriang "middle man" o 'yung mga bumibili ng mga inani ng magsasaka para ibenta ang nakikitang sanhi ng pagtaas ng presyo ng sibuya sa mercado, ayon sa ilang municipal agriculturists.

Bukod dito, marami ring pagsubok ang hinaharap ng mga magsasaka bago pa maani ang tanim nilang sibuyas.

Isa na riyan si Hermell L. Lopez na mula sa Gabaldon, Nueva Ecija. Lugi raw siya sa kanyang tanim dahil kinain na ito ng mga pesteng harabas o fall army worm at nalubog pa sa baha ang mga taniman.

"Sa punlaan pa lang po, lagi kaming nakatingala sa langit. Pag-umuulan na, ganon po. Tapos ito nga pong nakatanim na, 'yun na rin po naman ang problema namin. At bago pa lang mag-anihan, harabas naman po," kuwento ni Hermell.

Dalawang beses na ring nasiraan ng pananim na sibuyas si Recto Pineda na 20 years nang nagsasaka. Lalo siyang nanghinayang dahil inutang lang niya ang pinuhunan niya rito.

"Sana po konti lang, kung kinakailangna mag-import konti lang. Huwag naman sanang maapektuhan 'yung katulad naming mga magsasaka," panawagan ni Recto sa gobyerno.

Bilang tulong sa magsasaka, naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng food packs para sa 2,000 tao sa Gabaldon at Laur sa Nueva Ecija.

 

 


"Nagpapasalamat kami sa GMA Kapuso Foundation. Kahit papano nakapunta sila rito kahit napakalayo at liblib na lugar," mensahe ni Recto.

Katuwang naman ng GMA Kapuso Foundation sa operayson ang AFP-NOLCOM, 91st Infantry Battalion, Alpha Company, Bravo Company; RainPhil Inc.; B. Braun Medical Supplies Inc.; at Champion.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at GCash.

Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.