GMA Kapuso Foundation, nakapagbigay ng tulong sa 42,950 mag-aaral sa Luzon at Visayas | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Nakapagbigay ang GMA Kapuso Foundation ng tulong sa 42,950 mag-aaral mula sa Luzon at Visayas.  

GMA Kapuso Foundation, nakapagbigay ng tulong sa 42,950 mag-aaral sa Luzon at Visayas

By MARAH RUIZ

Nasira ang Tuquib Integrated School sa Villaviciosa, Abra matapos tumama sa probinsiya ang magnitude 7 na lindol noong July 2022.

Hanggang ngayong, sa barangay gym pa rin nagdadaos ng kanilang mga klase ang mga kinder hanggang grade 10 students. Hindi na sila halos magkarinigan tuwing umuulan at hindi rin kumportable tuwing mainit dahil trapal lang ang nagsisilbing dingding nila.

"Para po matupad ang aking pangarap, napakahirap. Napakaingay, minsan hindi na po naririnig 'yung sinasabi ng mga teacher. Walang CR tapos mainit," kuwento ni Edilyn Paned, isang estudyante.

Bilang tulong sa mga mag-aaral ng Tuquib Integrated School, hinatiran sila ng GMA Kapuso Foundation ng ilang regalo para sa kanilang pag-aaral.

Naabot din ng GMA Kapuso Foundation ang liblib na Camparadi Elementary School sa Natonin, Mountain Province para mag-abot ng tulong.

"Kayo po 'yung foundation na pinakaunang nakarating dito sa amin, kahit ano pong hirap ng daan natin," pahayag ni Jemalyn B. Bueta, guro sa Camparadi Elementary School.

Bukod sa mga regalo para sa mga bata, nagbigay rin ang GMA Kapuso Foundation ng mga gamot sa health center ng Mountain Province.

Sa kabuuan, 42,950 regalo ang naipamahagi sa mga mag-aaral sa Luzon kabilang ang mga probinsiya ng Camarines Sur, Sorsogon, Quezon, Abra, Aurora, Isabela, Cagayan, Nueva Ecija, at Mountain Province; at Visayas, kabilang ang mga probinsiya ng Southern Leyte, Eastern Samar, Western Samar, Cebu, Bohol, Negros Occidental, at Negros Oriental sa taong 2022.

 

 

 



Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng Hello Glow, AFP-JTF NCR; Philippine Army 2ID, 3ID, 7ID, 8ID, 53rd Engineer Brigade; Seaborn Shipping Lines; Meridian Shipping Lines and Container Carrier Inc.; Hi-Smart; New Marketlink Pharmaceutical Corporation; Ever Bilena Cosmetics; Rainphil Inc; JP Morgan Chase & Co.; LGU ng Patnunungan, Bordeos, at Panukulan; PNP sa Panukulan, Himamlayan, Basay, Bayawan City, Bogo City, Salcedo, Mercedes, at Guian; DepEd Himamlayan city Division, Bayawan City Division, Bogo City Division, Eastern Samar Division, at Bohol.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at GCash.

Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.