Ngiting Kapuso project ng GMA Kapuso Foundation, nakapagbigay ng pustiso sa 20 beneficiaries | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Nakapagbigay ng libreng pustiso sa 20 beneficiaries ang Ngiting Kapuso project ng GMA Kapuso Foundation.  

Ngiting Kapuso project ng GMA Kapuso Foundation, nakapagbigay ng pustiso sa 20 beneficiaries

By MARAH RUIZ

Bilang pakikiisa sa Oral Health Month na ginugunita ngayong Pebrero, naghandog ng libreng pustiso ang GMA Kapuso Foundation.

Sa ilalim ng Ngiting Kapuso project at katuwang ang Philippine Prosthodontics Society, 20 beneficiaries ang nabigyan ng libreng pustiso.

Bukod diyan, tinuruan din sila ng tamang paglilinis nito.

 

 


"Bawat tao, kailangang malusog ang katawan at siyempre po dapat malusog din ang bibig, ang mga ngipin. Ang ating ngipin ang naglalarawan ng ating kabuuan at pagkatao," pahayag ni Dr. Joann Fontanilla Joven, presidente ng Philippine Prosthodontics Society.

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng LABX Corp., Philippine Prosthodontics Society, Nilo Dental Laboratory, General Nutrifoods Philippines Inc., at Colgate-Palmolive Philippines.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at GCash.

Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.