GMA Kapuso Foundation, nagdala ng food packs sa mga nasunugan sa Calbayog City | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Naghatid ng food packs ang GMA Kapuso Foundation para sa mga residenteng nasunugan sa Calbayog City, Samar.

GMA Kapuso Foundation, nagdala ng food packs sa mga nasunugan sa Calbayog City

By MARAH RUIZ

Noong April 18, isang malaking sunog ang sumiklab sa Brgy. Carmen sa Calbayog City, Samar.

Matapos ang isang linggo, nakikisilong pa rin ang ilang residente sa isang covered court.

Isa na dito si Sarah Erilla, na naabo sa sunog ang ipinundar na sari-sari store.

"Masakit sa loob. Namili ako ng mga paninda tapos 'yun sa gabi 'yan na. Natupok lahat," pahayag ni Sarah.

Lubos naman ang pangamba ni Anabelle Borinaga na nasa ospital kaya naiwan sa bahay ang anim niyang anak noong nangyari ang sunog.

"'Yung alam ko lang, nandoon pa mga ang anak ko. Niligtas sila ng pinsan nila," paggunita ni Anabelle.

Kasalukyan sumisilong ang kanilang pamilya sa pinagpatong-patong na karton at trapal malapit sa natupok nilang bahay.

 

 

Para matulugan sina Sarah, Anabelle at iba pang nasunugan, naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng food packs para sa mahigit 800 residente na apektado ng sunog sa Brgy. Carmen at Brgy. Obrero sa ilalim ng Operation Bayanihan.

Katuwang ng GMA Kapuso Foundation sa proyektong ito ang Philippine Army 8th Infantry Division, 3rd Infantry Battalion, 43rd Infantry Battalion; at Selecta Milk.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa iba pang mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maaari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at GCash.

Maaari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.