GMA Kapuso Foundation, muling nagbigay ng tulong sa isang batang may leukemia | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Kinumusta at muling hinandugan ng tulong ng GMA Kapuso Foundation ang isang batang may leukemia.  

GMA Kapuso Foundation, muling nagbigay ng tulong sa isang batang may leukemia

By MARAH RUIZ

Unang tinulungan ng GMA Kapuso Foundation ang 10-year old na si Kyla Alejandra Napay mula sa Pandi, Bulacan noong taong 2016.

Na-diagnose siya ng acute lymphocytic leukemia at sumailalim sa chemotherapy bilang bahagi ng proyekto ng GMA Kapuso Foundation na Kapuso Cancer Champions.

Unti-unti nang bumubuti ang kundisyon ni Kyla pero nananatili pa rin siyabng under monitoring ayon sa kanyang doktor.

"Nahirapan po ako minsan huminga," bahagi ni Kyla.

Matapos ang pitong taon, muli siyang binisita ng GMA Kapuso Foundation para kumustahin.

Dahil hiwalay ang mga magulang ni Kyla, nanantili siya sa pangangalaga ng kanyang lola na si Analiza Garcia.

Mananahi ni Analiza na kumukita noon ng PhP500 kada linggo. Pero dahil sa hirap ng buhay noong pandemya, naibenta niya ang kanyang sewing machine.

"Naibenta ko 'yun sa halagang PhP6,500 kasi nga kailangan namin ng pangtustos dito kay Kyla," lahad ni Analiza.

Para maipagpatuloy ang kabuhayan, nanghiram muna siya ng portable sewing machine mula sa kanilang kapitbahay.

Bilang tulong kay Analiza binigyan siya ng GMA Kapuso Foundation ng bagong sewing machine.

 

 


Bukod doon, naghandog din ang GMA Kapuso Foundation ng mga pagkain na makakatulong sa resistensiya ni Kyla.

"GMA Kapuso Foundation, maraming maraming salamat po. Tuwang-tuwa po ako sa ibinigay niyo po sa aming tulong. Napakaganda po," pasasalamat ni Analiza.

May mensahe naman si Kyla para sa mga kapwa niya batang may sakit.

"Sa mga katulad ko, sana hindi sila sumukong lumaban," pahayag niya.

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa sa proyektong ito ng Go Tong Foundation, Brother Philippines, at Selecta Milk.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa iba pang mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at GCash.

Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.