GMA Network employees, nag-donate ng dugo sa Kapuso Bloodletting Day | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Para sa mga apektado ng lindol sa Cebu at Davao ang blood bags na nalikom sa Kapuso Bloodletting Day.

GMA Network employees, nag-donate ng dugo sa Kapuso Bloodletting Day

By MARAH RUIZ

Nakiisa ang maraming empleyado ng GMA Network sa Kapuso Bloodletting Day na ginanap nitong October 24.

Bilang joint initiative ng Philippine Red Cross, GMA Network, at GMA Kapuso Foundation, lumikom ito ng blood donations para sa mga apektado ng nagdaang lindol sa Cebu at Davao.

Ayon sa Facebook post ng GMA Kapuso Foundation, nakalikom na ng 118 blood bags as of 2:27 p.m.

 

 


 

Matatandaang humiling ng blood donations ang Philippine Red Cross at ilang mga ospital sa Cebu matapos tumama ang 6.9 magnitude earthquake noong September 30.

Kinulang din sa supply ng dugo sa Davao matapos tumama ang magkasunod na 7.4 at 6.8 magnitude earthquakes dito noong October 10.

Sa mga nais pang mag-donate ng dugo, tumungo lang sa pinakamalapit ng tanggapan ng Philippine Red Cross.