GMA Kapuso Foundation, nakapagpatayo ng dalawang tulay sa 2025 | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Mahigit 5,000 residente ang makikinabang sa dalawang bagong tulay na itinayo ng GMA Kapuso Foundation ngayong taon.

GMA Kapuso Foundation, nakapagpatayo ng dalawang tulay sa 2025

By MARAH RUIZ

Matagumpay na naipatayo ng GMA Kapuso Foundation ang dalawang konkretong tulay ngayong taon sa ilalim ng proyektong "Kapuso Tulay Para Sa Kaunlaran."

Isa sa mga ito ay ang 70-metrong tulay sa Mansalay, Oriental Mindoro, na nagsisilbing mahalagang daan para sa 1,691 residente ng lugar, kabilang ang mga katutubong Hanunuo Mangyan na ligtas nang maitatawid ang kanilang kalakal.

Samantala, sa Puray, Montalban, Rizal, naipatayo ang isa pang tulay na may habang 50 metro, na maseserbishyuhan ang humigit-kumulang 4,000 residente doon.

 

 

 

 

Kabilang dito ang mga Dumagat Remontado na maayos nang maitatawid ang kanilang mga produkto dahil sa tulay.

Nagpapasalamt ang GMA Kapuso Foundation sa Armed Forces of the Philippines, partners, donors, sponsors, at volunteers na naging katuwang sa pagbuo ng mga tulay.

Sa pamamagitan ng mga proyektong ito, patuloy na tinutupad ng GMA Kapuso Foundation ang layunin nitong maghatid ng kaunlaran at koneksyon sa mga komunidad sa buong bansa. 

Sa mga nais tumulong sa "Kapuso Tulay Sa Kaunlaran" at maging sa iba pang mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maaari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at GCash.

Maari din mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Lazada, Globe Rewards, at Metrobank credit cards.