advertisement
April 21, 2023, 9:00 pm Friday
#HeartsOnIce #Highlights: Grabe sa sobrang sweet, nilalanggam na rin kami dito!…
April 21, 2023, 9:00 pm Friday
#KapusoRewind: Sana lahat ng kaibigan ganito, para less 'yung lungkot ko!
Watch FULL…
April 21, 2023, 8:53 pm Friday
#MgaLihimNiUrduja #Highlights: OMG!!! Buhay pa si Crystal!!!
#UrdujaEp39
April 21, 2023, 8:45 pm Friday
Kumusta kaya ang preparations nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara para sa kanilang first-ever primetime…
April 21, 2023, 8:35 pm Friday
#MgaLihimNiUrduja #Highlights: Si Valencia pala ay descendant ni Khatun Khublun! ????…
April 21, 2023, 8:30 pm Friday
Get ready Pilipinas and let your voice be heard! The world's biggest and most iconic…
April 21, 2023, 8:30 pm Friday
https://t.co/gEqPjK1wg4
April 21, 2023, 8:20 pm Friday
RT @Engr_fulgar: Ang Ganda ng #unravel . Nakangiti lang Ako the…
April 21, 2023, 8:20 pm Friday
RT @themimsyselkie: Got to really listen to Rewrite The Stars....and this duet...reminds me....of…
April 21, 2023, 8:15 pm Friday
Sa kabila ng pagiging abala sa kaniyang mga proyekto sa show business, may plano nga…
April 21, 2023, 8:00 pm Friday
The leading broadcast network in the Philippines, GMA-7, is a treasure trove of incredible actors…
April 21, 2023, 8:00 pm Friday
https://t.co/Zz1xgFEavu
April 21, 2023, 7:58 pm Friday
#EatBulaga #highlights: Ang team ng elementary students na sina Princess at…
April 21, 2023, 7:45 pm Friday
Director Mark Reyes sa pag-feature ng #VoltesVLegacy: The Cinematic Experience' sa isang tren…
April 21, 2023, 7:44 pm Friday
Ufuk bey çok iyi bir flood haz?rlam??. Ali Koç'un taraftar? nas?l kand?rd???n? tek tek
April 21, 2023, 7:30 pm Friday
Filipinos always take pride in the exceptional talent and skills of other Pinoys. Hence, the…
April 21, 2023, 7:15 pm Friday
#HOITheMessage: Ponggay (Ashley Ortega) is unsure about her feelings for Enzo because he…
April 21, 2023, 7:11 pm Friday
https://t.co/0GXDsL9SUA
April 21, 2023, 7:00 pm Friday
Our #BubbleGang girls are taking advantage of their free time to visit exceptional…
April 21, 2023, 7:00 pm Friday
Isa siya sa iniidolo at hinahangaang Kapuso actress ngayon. Pero gaano nga ba natin kakilala…
May 5, 2021, 12:30 am Wednesday
Na-hulicam ang pamamaril ng dalawang gunmen sa isang lalaki sa Malolos, Bulacan.
Ang biktima, nakailag…
May 5, 2021, 12:20 am Wednesday
Na-hack umano ang mahigit 300,000 dokumento mula sa Office of the Solicitor General, ayon sa…
May 5, 2021, 12:05 am Wednesday
BIRTHDAY A LA "FIRST YAYA"
Inspired ng paborito niyang Kapuso series na "First Yaya" ang…
May 5, 2021, 12:00 am Wednesday
Imbes na sa amang may sakit, sa scammer napunta ang nalikom na donasyong P15,000 ng…
May 4, 2021, 11:09 pm Tuesday
Hindi hadlang ang kapansanan sa layuning karapat-dapat na ipaglaban.
Ito ang pinatunayan ng isang polio…
May 4, 2021, 10:21 pm Tuesday
Grand estafa o huwad na pangako ang itinawag ni dating Senior Associate Justice Antonio Carpio…
May 4, 2021, 9:57 pm Tuesday
"Paano nga ba magpa-rehistro?????"
It's easy as 1-2-3! ?? #RehiStrongTayo
May 4, 2021, 9:55 pm Tuesday
"Paano nga ba magpa-rehistro?????"
It's easy as 1-2-3! ?? #RehiStrongTayo
May 4, 2021, 9:51 pm Tuesday
Nagpabakuna na ng Sinopharm vaccine si Pangulong Duterte.
Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque ang…
May 4, 2021, 9:50 pm Tuesday
PARALISADONG MISTER NA IPINAGPALIT NG KANYANG MISIS, MAG-ISANG BINUBUHAY ANG MGA ANAK!
Na-stroke, naging paralisado…
May 4, 2021, 9:10 pm Tuesday
Imbes na sa amang may sakit, sa scammer napunta ang nalikom na donasyong P15,000 ng…
May 4, 2021, 9:00 pm Tuesday
Nanay ka bang madalas mag-hysterical sa kakukulit na mga junakis? Makakarelate ka sa chika ni…
May 4, 2021, 8:53 pm Tuesday
PARALISADONG MISTER NA IPINAGPALIT NG KANYANG MISIS, MAG-ISANG BINUBUHAY ANG MGA ANAK!
Na-stroke, naging paralisado…
May 4, 2021, 8:00 pm Tuesday
BREAKING NEWS: President Glenn Acosta, nahulog na ang loob kay Yaya Melody! Matatanggap ba ito…
May 4, 2021, 7:37 pm Tuesday
"Papunta ka pa lang, pabalik na ako!" ????
Ano ang iconic lines ng nanay mo?…
May 4, 2021, 7:06 pm Tuesday
'yung kahit araw-araw mo ulamin solb na! ????
May 4, 2021, 7:00 pm Tuesday
May we have your attention, Kapuso abroad?
Let's take a look at the programs and…
May 4, 2021, 6:40 pm Tuesday
Na-hulicam ang pamamaril ng dalawang gunmen sa isang lalaki sa Malolos, Bulacan.
Ang biktima, nakailag…
May 4, 2021, 6:28 pm Tuesday
GMA NEWS 24 ORAS LIVESTREAM | MAY 4, 2021
Panoorin ang mas pinalakas na 24…
May 4, 2021, 6:28 pm Tuesday
GMA NEWS 24 ORAS LIVESTREAM | MAY 4, 2021
Panoorin ang mas pinalakas na 24…
advertisement

Hindi pa rin tapos ang kalbaryo at pangamba ng mga taga-Abra, dahil sa kabi-kabilang pinsala ng nagdaang lindol. Ang ilan sa kanila, dumidiskarte na lang para may ligtas na masilungan ang pamilya, problema rin doon ang makakain. Kaya sa ikalawang bugso ng ating operation bayanihan, muli silang hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation. Read more

Dahil sa takot sa maya't mayang aftershocks, marami pa ring mga taga-Abra ang nagpapalipas ng gabi sa labas ng kanilang mga bahay. Pati ang ilang pasyente sa ospital, sa labas muna ginagamot. Ang GMA Kapuso Foundation, agad nagtungo doon para maghatid ng tulong sa mga nabiktima nG Magnitude 7 na lindol. Read more

Ang mga kalamidad gaya ng lindol at bagyo, kabilang sa mga target nating mapaghandaan sa pagpapatayo at pagpapaayos ng mga paaralan sa iba't-ibang panig ng bansa. Gaya ng mga silid-aralang ipinapatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Liloan, Southern Leyte, na mas pinatibay para masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante at guro. Read more

Marami nang pangarap ang nabigyang-katuparan ng paaralang ipinatayo natin sa bayan ng Liloan sa Southern Leyte. 'Yan ang hanggang ngayo'y pinagkukunan natin ng inspirasyon para maipagpatuloy ang mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, gaya ng ating 'Kapuso School Development Project.' At kahit ilang bagyo o kalamidad ang nanalasa sa mga ipinatayo nating eskuwelahan, patuloy natin itong binabantayan at hindi pinababayaan. Read more

Para sa pangarap na magandang kinabukasan, pilit itinataguyod ng isang ama sa Leyte ang pag-aaral ng kanyang anak. Lahat naman daw ng pagod at pagtitiyaga, sinusuklian ng sipag ng kanyang anak na kahit kinder pa lang ay humahakot na ng mga parangal! Sa pagpapatuloy ng ating "Unang Hakbang sa Kinabukasan" project, kabilang siya sa mahigit 2,000 estudyanteng nabiyayaan ninyo ng kumpletong school supplies sa pamamagitan ng GMA Kapuso Foundation. Read more

Pitong taong gulang pa lang nang padapain ng kanyang karamdaman ang isang batang nakilala namin sa Leyte. Pero hindi 'yan naging hadlang para magpursigi siya sa buhay lalo na sa kanyang pag-aaral. Ngayong National Disability Prevention and Rehabilitation Week, kabilang siya sa mga hinandugan ng GMA Kapuso Foundation ng bagong wheelchair. Read more

Noong nakaraang linggo nagtungo po ang GMA Kapuso Foun dation sa Banaue, Ifugao para maghatid ng tulong sa mga naapektuhan ng flash flood. Ngunit hanggang ngayon, maya't maya pa rin silang nakakaranas ng pag-uulan doon. gayunpaman pinuntahan pa rin natin ang ilang barangay na higit na nangangailangan ng ating tulong. Tuloy-tuloy rin ang mga sundalo sa pagsasagawa ng clearing operations sa lugar. Read more

Matinding pagsubok para sa mga residente ng Banaue sa Ifugao ang iniwang pinsala ng flash flood na nanalasa noong nakaraang linggo. Kaya naman agad nagsagawa ng Operation Bayanihan ang GMA Kapuso Foundation para sa mga apektadong residente. Kahit bakas pa ang mga pagbaha at may biglaang pagguho pang naranasan sa pagbisita roon ng aming team, hindi nito napigil ang ating misyong makatulong. Read more

Nasubaybayan ng GMA Kapuso Foundation ang paglaki ng batang si Qwinzy, na ilang taong pinahirapan ng bukol sa kanyang puwetan. Sa pagdaan ng mga taon, tinulungan at sinamahan natin siya mula sa pagpapatingin sa doktor hanggang sa matagumpay niyang operasyon. Ngayong 9 taong gulang na si Qwinzy, handog natin ang mga surpresa sa kanya mismong kaarawan. Read more

Matinding takot man ang iniwan ng landslide sa mga residente ng Baybay City sa Leyte noong Abril, nangibabaw pa rin ang kagustuhan ng kabataan doon na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Ang unti-unti nilang pagsisimulang-muli sa pag-abot ng kanilang matatayog na pangarap, suportado ng GMA Kapuso Foundation. Kaya naman handog natin ang libreng school supplies at iba pang mga gamit sa mga estudyante, sa ilalim ng ating "Unang Hakbang sa Kinabukasan" project. Read more

Sa loob ng 3 taon, tiniis ng nakilala naming dalaga ang hirap na dala ng malaking bukol sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Kagabi, natunghayan natin ang agarang aksyon ng GMA Kapuso Foundation at sumailalim na siya sa unang operasyon. Sa tulong ng ating donors at ng mga doktor, matagumpay na ring naisagawa ang ikalawa niyang operasyon at tuluy-tuloy na nagpapagaling. Read more

Mayo ngayong taon nang itampok namin ang kuwento ng dalagang tinubuan ng bukol sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Dahil sa lumalalang kondisyon, nagpadala siya ng mensahe sa Facebook page ng GMA Kapuso Foundation para humingi ng tulong. Agad naman tayong tumugon para masimulan na ang kanyang gamutan at operasyon. Read more

Hinagupit man ng bagyong Odette ang kanilang bahay at mga gamit pang-eskuwela, nanatiling matatag ang determinasyon ng mga mag-aaral sa Limasawa Island. Kaya naman sa pamamagitan ng "Unang Hakbang sa Kinabukasan Project" ng GMA Kapuso Foundation, daan-daang estudyante roon ang hinandugan natin ng libre at bagong school supplies. Read more

Para sa mga taga-leyte, mahirap at tila matatagalan pa bago mabura ang mapait na alaalang iniwan ng bagyong Agaton. Lalo na sa isang residenteng nawalan na nga ng bahay at hanapbuhay, kinailangan pang ma-operahan matapos mabalian ng isang binti sa kasagsagan ng baha. Upang mapagaan ang kanyang kalagayan,isa siya sa mga nakatanggap ng libreng wheelchair handog ng GMA Kapuso Foundation Read more

Ang isang musmos na dapat sana'y masiglang nakakakilos at nakakapaglaro, maagang pinahirapan ng mabigat na karamdaman. 'Yan ang idinulog sa GMA Kapuso Foundation na agad namang umaksyon para maipatingin siya sa doktor at mabigyan ng tulong. Mga Kapuso, kailangan pa po niya ng ating suporta para sa kanyang operasyon at tuluyang paggaling. Read more
advertisement

Mga Kapuso, naaalala n'yo po ba si Gadiel, ang batang pinahihirapan ng malaking bukol sa kanyang dila? Masaya po kaming ibalita sa inyo na naging instrumento ang ating programa para mapansin siya ng may mabubuting puso na nagpaabot ng tulong para sa kanyang gamutan. Ngayon, unti-unti nang may pagbabago ang kanyang kalagayan at sa inyong tulong at suporta, patuloy nating madadagdagan ang kanyang sigla at pag-asa. Read more

Tila binagyo rin ang mga pangarap ng mga kabataan sa Barangay Magallanes sa Limasawa, Southern Leyte nang wasakin ng bagyong Odette ang kanilang eskuwelahan noong nakaraang taon. Kaya agad umaksyon ang GMA Kapuso Foundation para muling buuin ang kanilang pangarap, kasabay ng pagpapatayo natin ng mga bago at mas pinagandang silid-aralan. Makakaasa ang ating mga Kapuso na mas matibay na ang mga ito at maaari ring maging takbuhan sa panahon ng kalamidad. Read more

Dahil batid ng GMA Kapuso Foundation ang kahalagahan ng edukasyon, patuloy nating isinusulong ang pagpapatayo at pagpapaayos ng mga paaralan sa iba't-ibang panig ng bansa. Kaya naman sa muling paggulong ng ating "Kapuso School Development Project," handog natin ang bagong eskuwelahan at mga silid-aralan sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette. Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa ating donors at sponsors na naging daan upang masimulan na ang proyekto sa Surigao at Leyte. Read more

Kahit minsa'y sumasakit na ang katawan dahil sa kanyang edad, tuloy ang pagkayod ng isang 63-anyos na mangingisda sa Bulacan. Kabilang siya sa mga haligi ng tahanan na hinatiran ng tulong at mga regalo ng GMA Kapuso Foundation bilang bahagi ng pagdiriwang ng 'Father's Day'. Read more

Lahat ay kakayanin ng isang ama mabigyan lang ng magandang buhay ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang mga anak. Ang isang haligi ng tahanan na nakilala namin sa Valenzuela, singtibay ng mga ginagawa niyang lubid at 'di basta-basta bumibitaw sa mga hamon ng buhay. Kasabay ng mga regalong hatid natin sa kanya at iba pang maglulubid sa kanilang lugar, isang maagang pagbati rin po ng "Happy Father's Day" sa lahat ng magigiting na ama!Lahat ay kakayanin ng isang ama mabigyan lang ng magandang buhay ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang mga anak. Ang isang haligi ng tahanan na nakilala namin sa Valenzuela, singtibay ng mga ginagawa niyang lubid at 'di basta-basta bumibitaw sa mga hamon ng buhay. Kasabay ng mga regalong hatid natin sa kanya at iba pang maglulubid sa kanilang lugar, isang maagang pagbati rin po ng "Happy Father's Day" sa lahat ng magigiting na ama! Read more