Kapuso Bloodletting Day, matagumpay na nakalikom ng dugo para sa Cebu at Davao | GMANetwork.com - Foundation - Photos

Matagumpay na nakalikom ng dugo para sa mga apektado ng nakaraaang mga lindol sa Cebu at Davao sa ginanap na Kapuso Bloodletting Day noong October 24. Ayon sa GMA Network, nakalikom na ng 118 blood bags as of 2:27 p.m. salamat sa mainit na suporta ng mga empleyado ng GMA Network. Ang Kapuso Bloodletting Day ay inorganisa ng GMA Network, Philippine Red Cross, at GMA Kapuso Foundation. Tugon ito sa kakulangan ng supply ng dugo sa mga ospital at medical facilities sa Cebu at Davao matapos tumama ang mga malalakas na lindol dito. Matatandaang nakaranas ng 6.9 magnitude earthquake noong September 30 sa Cebu, habang magkasunod na 7.4 at 6.8 magnitude earthquakes ang tumama sa Davao noong October 10. Silipin ang matagumpay na Kapuso Bloodletting Day dito: