GMANetwork.com - Foundation - Projects and Patients

Learn more about the Kapuso Foundation, the most accomplished, most trusted, and most credible non-government organization in the Philippines.


8,000 taga-Benguet, binigyan ng food packs ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Sep 26, 2025
GMA Kapuso Foundation

 Kabi-kabilang landslide ang naranasan sa Benguet dahil sa nagdaang Super Typhoon Nando. Naapektuhan din ang mga tanim na gulay ng mga magsasaka roon kaya naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa Mankayan at Buguias sa Benguet. Read more


Mga naapektuhan ng Super bagyong Nando sa bayan ng Gonzaga, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Sep 24, 2025
GMA Kapuso Foundation

Sa halip na masaganang ani, pinsala ang tinamo ng mga palayan sa Gonzaga sa Cagayan matapos humagupit ang Bagyong Nando roon. Agad na nagtungo sa lugar ang GMA Kapuso Foundation para maghatid ng tulong sa ilalim ng Operation Bayanihan. Read more


GMA Kapuso Foundation, nakahanda na sa paghahatid ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Nando | 24 Oras

Sep 23, 2025
GMA Kapuso Foundation

GMA Kapuso Foundation, nakahanda na sa paghahatid ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Nando.   Read more


2 Kapuso Classroom, ipapatayo ng GMAKF sa Bulilis Elem. School na napinsala noon ng bagyo | 24 Oras

Sep 22, 2025
GMA KAPUSO FOUNDATION

 Mula nang mapinsala ng Super Typhoon Odette noong 2021, nagsisiksikan na sa isang classroom ang dalawang grade level sa isang paaralan sa Ubay, Bohol. Dahil sa patuloy na tulong ng parent volunteers, malapit nang magkaron ng bagong Kapuso CLassrooms ang mga mag-aaral doon.   Read more


Batang may problema sa paningin, ipinasuri ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Sep 20, 2025
GMA Kapuso Foundation

 Talaga namang malaking hamon ang problema sa paningin kahit pa yung nanlalabo pa lang tulad ng nararanasan ng isang batang nakilala namin sa Gainza, Camarines Sur. Hirap siyang sumabay sa eskwela pero puno pa rin ng pangarap at pag-asa. Kaya nang makita ng GMA Kapuso Foundation ang kaniyang kondisyon, agad natin siyang ipinasuri. Read more


Pre-loved items ng GMA stars, mabibili sa Noel Bazaar ng GMAKF at Cut Unlimited (Oct. 17-19) | 24 Oras

Sep 17, 2025
GMA Kapuso Foundation

 May 99-days na lang para makumpleto ang inyong Christmas shopping list. Sa mga gustong unahan ang Christmas rush pwede kayong mamili sa Noel Bazaar kung saan may pre-loved items mula sa mga Kapuso star sa darating na Oktubre. At dahil Pasko, pwede niyo ring ibili ng school supplies doon ang mga mahihirap na estudyante na tinutulungan ng Kapuso Foundation. Read more


Timbang ng 300 mag-aaral, minonitor para sa 'Give-a-Gift Feed-a-Child Project' NG GMAKF | 24 Oras

Sep 15, 2025
GMA Kapuso Foundation

Hindi lang sa kalusugan nakaaapekto ang tamang nutrisyon kundi maging sa pag-aaral ng mga bata. Kaya sa ating 'Feed-a-Child Project' sa Gainza, Camarines Sur, minonitor ng GMA Kapuso Foundation ang nutrisyong nakukuha ng 300 estudyante araw-araw pati ang kanilang timbang.   Read more


Bahay na sinira ng bagyo, pinaayos ng GMAKF at ng PNP Health Service Nursing Division Chief | 24 Oras

Sep 15, 2025
GMA Kapuso Foundation

Agosto nang itampok natin ang isang residenteng lubhang naapektuhan ng Bagyong Emong sa La Union. Bukod sa nawasak ang kanyang bahay, natigil din siya sa pagha-hanapbuhay. May magandang loob na naantig sa kanyang kwento kaya naman binalikan siya ng GMA Kapuso Foundation para sa handog nating surpresa.   Read more


160 nasiraan ng bahay dahil sa Bagyong Emong, binigyan ng roofing materials ng GMAKF | 24 Oras

Sep 10, 2025
GMA Kapuso Foundation

 Patuloy pa rin ang pagtulong ng GMA Kapuso Foundation sa mga naapektuhan ng Bagyong Emong sa Pangasinan noong Hulyo. Hanggang signal number 4 ang itinaas noon at maraming bahay ang pinadapa ng malakas na hangin. Dahil po sa inyong suporta, may matibay na bubong na ang mahigit 100 residenteng naapektuhan.   Read more


75 residenteng nasalanta ng Bagyong Emong, binigyan ng libreng roofing material ng GMAKF | 24 Oras

Sep 9, 2025
GMA Kapuso Foundation

alang patid ang GMA Kapuso Foundation sa paghahatid ng tulong. Matapos ang ating isinagawang Operation Bayanihan para sa mga nasalanta ng Bagyong Emong sa Pangasinan binalikan naman natin sila para magkaroon sila ng maayos na masisilungan sa ilalim ng Silong Kapuso Project.   Read more


Kakalayang inmate sa Correctional Institution for Women, tinulungan ng GMAKF na makauwi at muling makapiling ang pamilya | 24 Oras

Sep 6, 2025
GMA Kapuso Foundation

 Sa halos tatlong dekadang pagkaka-bilanggo, hanggang sa alaala na lang nayayakap ang pamilya ng babaeng aming nakilala. At sa kanyang paglaya, isinakatuparan ng GMA Kapuso Foundation ang matagal na niyang pangarap— ang muling makapiling at mayakap ang kanyang mga mahal sa buhay. Read more


42 PWD, binigyan ng arm & hand prosthesis ng GMA Kapuso Foundation at LN-4 Foundation | 24 Oras

Sep 4, 2025
GMA Kapuso Foundation

 Tunay na inspirasyon ang ilang person with disability na aming nakilala sa Northern Mindanao. Kahit na naputulan o ipinanganak na walang kamay, patuloy silang nagsusumikap at hindi nawawalan ng pag-asa sa buhay. Bilang tulong, handog ng GMA Kapuso Foundation at LN4 Foundation ang libreng arm at hand prosthesis para sa kanila. Read more


Libreng newborn screening ng GMAKF at DOH sa 155 na sanggol sa Quezon, Rizal at Laguna | 24 Oras

Sep 1, 2025
GMA Kapuso Foundation

Bawat magulang, hangad ang malusog na kinabukasan ng kanilang anak. Ngunit may ilang sakit na hindi agad nakikita sa pisikal na anyo ng isang bagong silang na sanggol at natutukoy lang sa pamamagitan ng newborn screening. Kaya ang GMA Kapuso Foundation at Department of Health Calabarzon ay nagsagawa ng libreng newborn screening sa Quezon, Rizal at Laguna.   Read more


Mga binaha sa Pililla, Rizal, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Aug 28, 2025
GMA Kapuso Foundation

Mabilis na tumaas ang baha sa Pililla, Rizal dahil sa walang tigil na pag-ulan kahapon. Kabilang sa mga naapektuhan ang mga mag-aaral sa ating Kapuso Classrooms sa Matagbak Elementary School.   Read more


4 na silid-aralan sa Ubay, Bohol, ipapatayo ng GMAKF | 24 Oras

Aug 28, 2025
GMA Kapuso Foundation

Anumang lakas ng pagyanig ng lindol o paghagupit ng bagyo, hinding hindi matitibag ang pangarap ng mga kabataang patuloy na nagsusumikap sa pag-aaral para sa kanilang mga pangarap. Gaya niyan ang mga estudyanteng nakilala namin sa Ubay, Bohol na hahandugan ng GMA Kapuso Foundation ng bago at matitibay na mga silid-aralan.   Read more

advertisement


300 batang undernourished, napakain sa feeding program ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Aug 25, 2025
GMA Kapuso Foundation

Karamihan sa mga bata -- pihikan sa pagkain lalo kung gulay. Kailangan pa man din 'yan para hindi sila sakitin at mas maging aktibo sa pag-aaral.kaya ang GMA Kapuso Foundation, 'di lang nagpapakain ng mga batang undernourished sa Gainza, Camarines Sur kundi namigay rin ng vegetable seeds sa kanilang mga magulang.   Read more


135 na may malabong paningin, binigyan ng libreng salamin ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Aug 25, 2025
GMA Kapuso Foundation

'Di na manlalabo ang pangarap ng ilang mag-aaral na hirap sa eskwela dahil walang maayos na salamin! Kabilang sila sa mahigit isandaang hinandugan ng GMA Kapuso Foundation ng libreng eye check up at salamin sa ilalim ng Kapuso 20/20 Eye Project.   Read more


GMAKF, nagbigay ng school supplies sa 60,000 mag-aaral ngayong 2025 | 24 Oras

Aug 25, 2025
GMA Kapuso Foundation

 Bagaman hindi hadlang ang kakulangan sa gamit sa mga mag-aaral na hangad makapagtapos hindi maikakailang malaking tulong kung meron sila nito. Kaya naman para matulungan sa kanilang "Hakbang sa Kinabukasan" tuloy ang pamimigay natin ng basic school supplies. At sa taong ito, 60,000 na estudyante na ang ating nahandugan.   Read more


Rehabilitated Kapuso classrooms sa Malaya Elem. School, pinasinayaan na | 24 Oras

Aug 18, 2025
GMA Kapuso Foundation

Sa apat na sulok ng silid-aralan, hindi lang basta natututo ang mga mag-aaral kundi nahuhubog din ang kanilang mga pangarap. Kaya naman mahalaga sa GMA Kapuso Foundation na manatiling maayos ang mga classroom.   Read more


39 na may katarata, matagumpay na napa-operahan dahil sa GMAKF at Tzu Chi Medical Foundation | 24 Oras

Aug 18, 2025
GMA Kapuso Foundation

 Sa datos ng World Health Organization, katarata ang isa sa pangunahing dahilan ng pagkabulag. Ngayong sight saving month, halos 40 may katarata ang napaoperahan natin. Kaya maraming salamat po sa ating partners, sponsors, donors at volunteer doctors.   Read more