advertisement
advertisement

Inabot na ng bagong taon, pero wala pa ring maayos na tirahan ang ilang pamilya sa Batanes kasunod ng pananalasa ng mga nagdaang bagyo. Bagong pag-asa ang hatid ng GMA Kapuso Foundation sa ilalim ng "Silong Kapuso Project" dahil sa handog nating mga yero, semento at iba pang construction materials. Read more

Pangamba tuwing holiday season, ang bumababang suplay ng dugo sa mga blood bank kung kailan naman ito mas kailangan, ayon sa Philippine Red Cross. Kaya bilang suporta, nagsagawa ang GMA Kapuso Foundation ng Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project sa Maguindanao, Baguio at Tarlac. Read more

Dahil sa hirap ng buhay, pati pangangalaga sa dental health, napapabayaan na rin ng ilan nating kababayan. Ang iba, nagtitiis na lang sa mga pamahid para maibsan ang sakit ng kanilang ngipin. Tinugunan 'yan ng GMA Kapuso Foundation at nagsagawa ng dental mission sa Bayambang, Pangasinan. Read more
Para sa mga estudyanteng may matatayog na pangarap lahat ay kayang tiisin kahit pa sira-sirang classroom. Ganyan sa isang paaralan sa Benguet na pinapasok ng tubig tuwing umuulan! Kaya ang maagang pamasko ng GMA Kapuso Foundation tatlong matitibay na silid-aralan para sa kanila! Read more

Kung hindi sa tent, sa mga pinagtagpi-tagping yero muna umaasa ang ilang taga-Catanduanes para lang may masilungan. Marami kasi ang nawalan ng tahanan sa paghagupit ng super typhoon Pepito. At para maibsan ang kumalam na tiyan, hinatiran sila ng GMA Kapuso Foundation ng mga food pack. Read more
Kabilang ang bayan ng Jose Panganiban sa Camarines Norte sa mga nakaranas ng sunud-sunod na bagyo. Hindi pa man nakakabangon sa Bagyong Kristine Bagyong Pepito naman ang puminsala sa mga tahanan nila at kabuhayan. Kaya sa pagpapatuloy ng Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation, sila naman ang ating hinatiran ng tulong. Read more

Para bang 'di magising sa bangungot ng sunud-sunod na bagyo ang dinaranas ngayon ng mga taga-Cagayan at Isabela. Habang naghihintay ng pagsikat ng araw naghatid muna ang GMA Kapuso Foundation ng inyong tulong sa kanila. Read more
Dahil nga sa sunod sunod na bagyo, malaking hamon sa mga taga-Isabela kung paanong babangon muli. Pinuntahan sila ng GMA Kapuso Foundation para hatiran ng tulong. Read more

As of November 7, GMAKF was able to extend help to a total of 11,554 families or 46,216 individuals affected by Severe Tropical Storm Kristine. Read more

Bago pa ang Bagyong Nika... matinding pinsala ang iniwan ng Bagyong Marce sa Cagayan lalo sa Sanchez Mira kung saan nag-landfall ang bagyo. Para maibsan kahit paano ang epekto ng bagyo, naghatid ng tulong doon ang inyong Kapuso Foundation. Read more

Layon ng newborn screening ng Department of Health na tiyaking maayos ang kalusugan ng bawat bata sa bansa sa pamamagitan ng maagang pag-detect sa congenital metabolic disorder at agad na pagbibigay ng lunas para rito. Kaisa sa layuning 'yan ang inyong GMA Kapuso Foundation na naghatid ng libreng newborn screening sa Tayabas, Quezon kung saan 66 na sanggol ang ating napasuri. Read more

'Di pa tapos ang bayanihan para sa mga sinalanta ng mga Bagyong Kristine at Leon. Sa Camarines Sur at Batangas naman nagtungo ang GMA Kapuso Foundation para maghatid ng tulong sa mga nawalan ng kabuhayan at ari-arian. Read more

GMA Kapuso Foundation (GMAKF), the socio-civic arm of GMA Network, recently received a four-million-peso donation from the Armed Forces of the Philippines (AFP). Read more

GMAKF has remained steadfast in its core mission through its flagship project, Operation Bayanihan. Read more

GMA Kapuso Foundation (GMAKF) joined forces with the Department of Interior and Local Government (DILG) to hasten the implementation of relief operations in disaster-stricken areas. Read more
advertisement

Sa bawat tanim ng mga magsasaka sa Mankayan, Benguet hangad nila ay masaganang ani para sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Kaya sa ilalim ng Kapuso School Development Project ng GMA Kapuso Foundation nagpatayo tayo ng 3 bago at matitibay na silid-aralan! Read more

Nito lamang Miyerkules, naantig tayo sa kuwento ng grade 6 student mula Quezon na hinagupit ng bagyong Aghon at nawalan ng unipormeng isusuot sana niya sa kanyang graduation. Read more

Matapos ang pananalasa ng Bagyong Aghon sa probinsya ng Quezon, isa sa matinding napuruhan ay ang Brgy. Cotta sa Lucena City. Marami sa gamit ng mga residente ang inanod ng baha at nabalot sa putik. Kaya sa ilalim ng Operation Bayanihan, agad na nagtungo ang GMA Kapuso Foundation sa lugar upang maghatid ng tulong. Read more

Nakababahala ang dami ng mga Pilipinong nagkaka-alta presyon na umabot pa nga sa 37% ng populasyon noong 2021, ayon sa Philippine Heart Association. Kaya ngayong hypertension awareness month, may libreng serbisyong medikal ang GMA Kapuso Foundation tulad sa San Enrique, Negros Occidental. Read more

Tila nanlabo ang mundo ng isang ina matapos iwan ng kaniyang pamilya. Pero bukod sa pangungulila, halos wala na rin siyang makita dahil sa kundisyon sa kaniyang mata. Dahil sa tulong ninyo, naipasuri siya ng GMA Kapuso Foundation. Read more