ADVERTISEMENT

Public Affairs

'Biyahe ni Drew' discovers Maligcong, Bontoc!

BIYAHE NI DREW: Discovering Maligcong, Bontoc
Friday, April 9, 2021

5:45 PM GTV

Handa na ba kayong bumiyahe sa isang lugar na malamig pero mainit naman ang pagtanggap ng mga tao? Kung oo, sama na kay Drew Arellano sa Maligcong, Bontoc.

 

 

Ang unang pasyal ni Drew at ng BND Team ay sa Mt. Kupapey na medyo mahirap akyatin. Buti na lang makakasama nila ang guide dog na si Tamtam sa 1.8 kilometer trek na ito. Ang malaking gantimpala nila, ang makapigil-hiningang sunrise!

 

 

   
Pagkatapos ng nakakahingal na lakad, didiretso sila sa Payaka Falls na pantanggal pagod ang malamig na tubig.

 

ADVERTISEMENT

 
 
Sa paglilibot, matutunton ni Drew ang Favarey. Mas moderno na ang itsura ng mga bahay dito pero makikita pa rin ang mga “shak-khod” o sungay ng kalabaw na nakasabit sa pintuan ng mga bahay. Makikilala rin niya ang mga lokal na may tradisyunal na tattoo at matutunan ang kasaysayan ng tribo.

Samantala, para makumpleto ang kaniyang imersiyon, matututunan ni Drew ang tamang pagluto at pagkain ng local delicacy—ang kuhol.

 


Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 545PM sa GTV!                                                  

ENGLISH PR

Drew Arellano explores the small town of Maligcong, Bontoc and meets the local tribe, ascends Mt. Kupapey to witness the sunrise, and learns how to cook and eat the local delicacy—the snails.