ADVERTISEMENT

Public Affairs

Workation in La Union with 'Biyahe ni Drew'

BIYAHE NI DREW: Workation sa La Union!
Friday, June 4, 2021

5:45 PM GTV

Gusto mo bang magbakasyon pero di maiwanan ang trabaho? Why not take your work with you at samahan si Drew Arellano ngayong Biyernes sa isang matagalang bakasyon sa La Union!

 

 

Siyempre dapat daw madaanan ay ang tinaguriang The Great Road of Santol. Mala-Great Wall of China ang dating nito at madadaanan ang tatlong barangay ng Santol--ang Poblacion, Puguil, at Tubaday. Tuloy napadali nito ang pagbiyahe mula La Union hanggang Mountain Province and vice versa.



 

ADVERTISEMENT

 

Maraming mga dayo sa La Union na piniling magtagal dito dahil sa nakakahalinang beach vibe. Ang iba sa kanila ay nagtayo na ng mga negosyo na kumakalinga rin sa ibang biyahero tulad ng luxury at budget surf hostels at coworking spaces.

 


Kung may oras kayo, make sure to pass by Lomboy Farms. Dito, puwedeng mag-ani ng locally grown grapes sa halagang 100 pesos per kilo! Tikman din ang mga pagkaing may halong grapes.

 


Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 5:45PM sa GTV!                                                  -----
Biyahe ni Drew explores surfer paradise La Union and checks out luxury and budget surf hotels, converses with local business owners, samples local merienda favorites, and recommends a trip to a vineyard.