ADVERTISEMENT

Public Affairs

Biyahero Drew goes on a Christmas food trip!

BIYAHE NI DREW: EATS CHRISTMAS TIME!

Sunday, December 12, 2021
8:30 PM GTV


 
Eats Christmas Time!

Ano ang laging present sa ating mga handaan tuwing Pasko?

Sa Pampanga, bukod sa naggagandahan at naglalakihang parol, siyempre dinadayo rin ang mga tradisyunal na lutuing Kapampangan tulad ng nilagang pasku, isang masabaw na putahe na may mga pinaghalo-halong karne at gulay.

 


Sa Bacolod, hindi magpapatalo ang mga classic dishes tulad ng lechon at chorizo.

 


 


Sa pamilya Arellano, apple pie naman ang bida! Ibabahagi nina Biyahero Drew at ng ating honorary biyahero na si Iya Villania ang paborito nilang apple pie. Tuwing Pasko lang nila ito ginagawa!

 


 


At para sa karamihan ng mga Pilipino, siyempre, nariyan lagi ang puto bumbong at bibingka! Kung puto bumbong ang paborito n’yo, level up pa ito dahil may puto bumbong de leche. May pang malakasan pa na kain kung saan jumbo na bilao ng puto bumbong de leche ang puwedeng pagsaluhan! Ang bibingka, binigyan naman ng sosyal na twist! Bibingka na puwedeng pangregalo na katakam-takam ang mga flavor kagaya ng four cheese bibingka at ube bibingka.

 

ADVERTISEMENT


 


 


 


 


Pero para tunay na maging happy tummy tayo ngayong Pasko, nariyan ang Christmas Cake! Lahat ng mga paboritong matatamis na hinahain tuwing Pasko matatagpuan sa isang 7-layer cake.

 

 


 


Luwagan na ang sinturon para sa isang nakakatakam na Christmas episode ng Biyahe ni Drew sa Linggo, 8:30PM sa GTV.

 

-----

Biyahe ni Drew features an exciting array of good eats as Drew goes around the Philippines to discover sumptuous traditional dishes and Simbang Gabi staples in Pampanga, the mouth-watering lechon and chorizo in Bacolod, and the different rice delicacies puto bumbong and bibingka with a twist.