ADVERTISEMENT

Public Affairs

Level-up Noche Buena dishes, tampok sa 'Brigada'

BRIGADA
December 19, 2020

9:15 PM sa GMA News TV

LEVEL-UP NOCHE BUENA

Sawa ka na ba sa spaghetti, hamon, at fruit salad na paulit-ulit na lang na inihahanda tuwing noche buena? Gawing special ang holiday handaan gamit ang ilang mga na talaga namang magle-level up sa salu-salo ng pamilya ngayong Pasko! Tulad na lang ng recipe ng seafood-stuffed lechon ng isang litsunan sa Cagayan de Oro na putok-batok hindi lang ang baboy mismo kundi pati na ang seafood na palaman nito! Ultimate Christmas Cake naman ang handang dessert ng homebaker na si Carmela kung saan ang puto bumbong at bibingka, kanyang pinagsama sa iisang cake! Nakakuha ng tips si Saleema Refran kung paano nga ba natin male-level up ang ating noche buena.



HOLIDAY GETAWAY

ADVERTISEMENT

Ibang-iba ang paparating na Pasko 2020 dahil bukod sa pinagdaanan nating sunud-sunod na mga trahedya, umiiral pa rin ang pandemya na humahadlang sa taunang tradisyon nating mga Pilipino na pagdiriwang nito nang sama-sama ang buong angkan at pamilya. Pero dahil na rin sa pagluwag ng ilang panuntunan pagdating sa turismo sa ilang lugar, nakita itong pagkakataon ng ilan para daanin na lang sa holiday getaway ang pagdiriwang ng Kapaskuhan. Inalam ni Mariz Umali ang iba't ibang mga atraksyon na maaaring dayuhin para kahit paano maramdaman pa rin natin ang saya ng Pasko sa gitna ng pandemya.



PINOY TOY STORY

Laruan ang pinakaaabangang matanggap na regalo ng mga bata tuwing Pasko. Maging simpleng kotse-kotsehan man ito o magarbong manyika, ang mga laruang regalo na natatanggap ng mga kabataan kapag Pasko ay ilan sa mga maituturing nilang kayamanan bago tumuntong sa pagiging mga dalaga't binata. Pero bago ito makarating sa ating mga tahanan, marami ring prosesong pinagdaraanan ang mga laruan, lalo na ang mga laruang gaya ng nililikha ng Pampanga Teddy Bear -- stuffed toy clones na talaga namang kawangis ng mga alagang hayop. Nasaksihan ni Kara David kung paano nabubuo ang mga ito.



Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado, 9:15 ng gabi, sa iisang Brigada.