ADVERTISEMENT

Public Affairs

BRIGADA

‘Cobra Prince’ ng Laguna, itatampok ng Brigada!

BRIGADA
Airing Date: June 11, 2022


COBRA PRINCE
Isa sa mga pinakainiiwasang hayop ang cobra dahil sa taglay nitong nakamamatay na kamandag. Dito sa Pilipinas, laganap ang ahas na ito kaya naman hindi maiwasang mapadpad din ito sa mga kabahayan. Mabuti na lang, isang tawag lang at mapupuntahan kaagad ni Ian a.k.a. Cobra Prince ang tahanang may naligaw na cobra. Matapos sumailalim sa masusing pagsasanay kung paano humawak ng iba't ibang wild animals kabilang na ang mga cobra, naging misyon na ni Cobra Prince ang boluntaryong tumugon sa tawag ng mga humihingi ng tulong para mag-rescue ng mga ligaw na cobra. Ang makapigil-hiningang mga eksena sa kanyang pag-rescue ng mga cobra ay kanyang kinukunan at inia-upload sa kanyang Youtube channel para na rin makapagbigay ng impormasyon sa mga nararapat gawin kung sakaling malagay sa ganitong sitwasyon. Ipinamalas ni Cobra Prince ang kanyang galing kay Mariz Umali.
The Philippine cobra is one of the most avoided animals because of its deadly venom. This snake sometimes finds its way into human households. Fortunately, Ian a.k.a. Cobra Prince is just one call away and will promptly deal with your cobra problems. After undergoing thorough training on how to handle various wild animals including cobras, it has become Cobra Prince's mission to respond to the call of those asking for help to rescue wild cobras free of charge. He captures intense scenes of his cobra rescue missions, which he then uploads to his Youtube channel to also serve as additional information for others if ever they find themselves in a similar situation. The mighty Cobra Prince shows off his talent to Mariz Umali.

 

 
 
TONG-TONG PAKITONG-KITONG!

ADVERTISEMENT

Ang tahimik na bayan ng Calauag, Quezon, biglang nagiging maingay at masaya sa tuwing sumasapit ang pagdiriwang nila ng taunang Alimango Festival. Dito ginaganap ang iba't ibang paligsahan na may kinalaman sa alimango. Nariyan ang palakihan ng alimango, karera ng alimango, pati na pasarapan ng luto na ang sangkap, alimango pa rin siyempre! Ilan sa mga tampok at ibinibida nilang na putahe ang Alimango Bicol Express, Crabby Patty, at ang classic na Butter and Garlic Alimango! Tatakamin tayo ni Oscar Oida sa kanyang alimango food trip!
The quiet town of Calauag, Quezon suddenly becomes festive every time they celebrate the annual Alimango Festival. Here, various crab -related competitions are held. There’s a crab sizing contest, crab race, as well as a cook-off using crabs as their main ingredient. Some of the dishes they offer are Alimango Bicol Express, Crabby Patty, and the classic Butter and Garlic Alimango! Oscar Oida digs in to his crab cravings in this one-of-a-kind crab food trip!
 
 
Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado, 9:45 ng gabi, sa iisang Brigada sa GTV.
Join award-winning and homegrown Brigada Siete journalist Kara David as she shares new stories, new perspectives, and the rundown on the latest issues in society together with a new generation of reporters this Saturday, 9:45pm in Brigada on GTV.