ADVERTISEMENT

Public Affairs

Tipid tips para sa mga millennial na nais makapagpundar, alamin!

IRL
HUWEBES, DECEMBER 10, 2020

9:15 PM SA GMA NEWS TV

25 years old pa lang si Sam pero nakapagpundar na! Ang katas ng apat na taon niyang pagtatrabaho sa call center, sinigurado niyang mapupunta sa pagbili ng sarili niyang bahay. Pati ang mga gamit sa loob, pinag-iipunan daw niya. Ano nga ba ang tipid tips para kahit bata pa gaya ni Sam, pwede nang makapagpundar ng bahay at lupa?

 


Sa pagsasaka naman itinaguyod ng mag-asawang Jimmy at Amy ang kanilang pamilya. Pareho mang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, nagsumikap sila para mapagtapos ang pitong anak.

 


ADVERTISEMENT

Kaya bilang pasasalamat sa sakripisyo ng kanilang mga magulang, ang dating munting tahanan, ipinaayos at ipinagawang dalawang palapag ng magkakapatid!

 

 


Naging malaking hamon naman para sa mag-asawang Raul at Ruby Orlain ang pagpapalaki sa anim na anak na millennial. Kaya naman hinihigpitan nila ito pagdating sa pakikipagbarkada at pakikipagligawan. Gaano nga ba kahirap magpalaki ng mga millennial at ano ang reaksyon ng mga anak sa paghihigpit ng mga magulang?

 


Abangan ang mga kuwentong nangyayari in real life sa IRL ngayong Huwebes, December 10, 9:15 PM sa GMA News TV.