ADVERTISEMENT

Public Affairs

Pamilyang Guipit, babangon muli!

ANG MULING PAG-BANGON NG PAMILYA GUIPIT MULA SA PAGKAKAKULONG NI CORING AT PAGBABAGONG BUHAY NI ORYO.

AIRING DATE: MARCH 8-12

 

 

Dahil wala nang maisip na paraan si Sensen (Lovi Poe) para makalaya ang nanay niyang si Coring (Ruby Rodriguez) mula sa pagkakasangkot nito sa holdapan sa Pawn Pagong, mag-mamakaawa siya kay Divina (Jackie Lou Blanco) kapalit ng kalayaan ng ina kahit na labag ito sa kanyang kalooban.

 

ADVERTISEMENT

 

Bukod kay Sensen, napaikot din ni Divina si Migs (Benjamin Alves) nang papaniwalain niya itong magnanakaw si Coring at mapanlinlang si Sensen. Dahil dito, muling nagka-lamat ang relasyon ni Sensen at Migs. Kaya si Sensen, naging takbuhan ang kababata at best friend nyang si Richard (Jason Francsico). Sinunggab din ni Trixie (Winwyn Marquez) ang pagkakataong ito para muling mapalapit kay Migs.

 

 

Sa Linggong ito, muling babangon ang pamilya Guipit mula sa sunod sunod na pagkakalugmok sa problema. Haharapin ni Coring ang bagong buhay, habang pilit namang magpapaka responsableng ama si Oryo (Pekto Nacua). Hahabaan ni Sensen ang kanyang pasensiya kay Migs alang-alang sa kapakanan ni Lolo Badong (Leo Martinez).


Abangan ang mga kapana-panabik na tagpo ngayong linggo sa Owe My Love, 9:35 pm sa GMA Telebabad.