ADVERTISEMENT

Public Affairs

Divina, may maitim na balak kay Lolo Badong!

 

 

WEEK 5: MARCH 15-19
ANG MAITIM NA BALAK NI DIVINA KAY LOLO BADONG

 


Muling nawala si Lolo Badong (Leo Martinez) dahil sa pag-atake ng kanyang dementia. Hinala ni Migs (Benjamin Alves), maaaring namasyal sa bayan ng Isidro ang kanyang lolo. Dito kasi galing ang pamilya Alcancia. Para mabawasan ang pag-aalalala ni Migs, sasamahan siya ni Sensen (Lovi Poe) sa paghahanap kay Lolo Badong na ikagagalit naman ni Trixie (Winwyn Marquez).

 

ADVERTISEMENT


Habang abala sa paghahanap ng nawawalang lolo sina Sensen, nilalabanan naman ni Oryo (Pekto Nacua) ang tukso ng pagsusugal. Pilit siyang magbabagong buhay para sa pamilya, lalo na para sa asawang si Coring (Ruby Rodriguez), ngunit hindi niya malaman kung ano ang mas matimbang — ang pang-akit na dala ng “easy money” o ang responsibilidad ng pagiging padre de pamilya. 

 

 

Unti-unti na ring magkakaroon ng linaw ang relasyon nina Gwaps (Buboy Villar) at Evs (Kiray Celis). Seseryosohin na ni Gwaps ang nararamdaman niya para kay Evs. Masusubukan naman ang lalim ng pagmamahalan nina Jenny Rose (Jelai Andres) at ni Eddie (Jon Guttierez) sa isa’t isa sa pagkabunyag ng kanilang mga tunay na pagkatao at estado sa buhay.

 

 

Sa ika-limang linggo ng Owe My Love,  hindi na palalagpasin ni Divina (Jackie Lou Blanco) ang pagkakataong ituloy ang masama niyang plano sa pagkamkam ng kayamananan ng mga Alcancia. At dahil si Lolo Badong ang susi sa kanyang plano, gagawin niya ang lahat kahit na malagay ito sa bingit ng kamatayan.