ADVERTISEMENT

Public Affairs

Panalong Sinangag, Affordable Unlimited Steak at Hit na Hit na Pansit!

Pera Paraan
Panalong Sinangag, Afford na Unlimited Steak at Hit na Hit na Pansit!

Date of Airing: July 2, 2022

 

Heto ang mga negosyong mapapa-wow tayo sa sarap ng pagkain at tindi ng kita!

 

Steak ba kamo? At unlimited pa? Puwede iyan sa kainang itinayo ni Mark. Nagsimula sa isang online food business tapos napunta sa pagiging isang food cart at kainan sa garahe. Pero ngayon, may sarili na siyang pwesto! P399 pesos lang ang unlimited steak nila na may kasama nang fries, coleslaw, mashed potato at gravy! Alamin kung paano sila hindi nalulugi at kumikita pa nga m halos isang milyon kada buwan!

 

 

Samantala, ang mag-inang sina Virginia at Fatimah, hindi nagpatalo sa hamon ng pandemiya. Humina ang kita ng munting pansitan nila na may specialty na crispy palabok. Pero sa kanilang relaunch na mayroon silang paandar na pansit cake at pansit pizza, halos 30,000 pesos na ang kinikita!

ADVERTISEMENT

 

 

Kahanga-hanga rin si Briko sa matagumpay niyang mga negosyo. Sa edad na 21 years old, mayroon na siyang ilang negosyo at kasama na rito ang kanyang kainan na sinangag ang bida! Sa loob ng tatlong buwan, nagkaroon na ito ng limang branch kung saan hatid ang kanyang chicken teriyaki fried rice, seafood fried rice at kimchi fried rice.



Kaya laging tandaan, pera lang iyan, kayang-kayang gawan ng paraan! Abangan iyan tuwing Sabado 10:45 ng umaga sa GMA!