ADVERTISEMENT

Public Affairs

Good News

Bulacan adventure at leche flan recipes, ibibida sa Good News!

Good News Kasama si Vicky Morales
August 30, 2021

Byuti ng Bulacan!

Gaya ni Maey B, hanap mo rin ba ang mabilisan at hassle-free na bakasyon? Pwes, punta na sa Bulacan para sa sari-saring gimik. Kung nature-tripping ang type mo, mag-relax sa isang glass cottage na perfect para sa pamilya. O baka naman mas gusto mo ang food tripping? Binisita ni Maey B ang kauna-unahang 2D cafe sa bansa, pati na rin ang isang kainang may view na pinagsamang Tagaytay at Baguio.  Dahil para kay Maey B, food is happiness, sumugod siya sa Bulacan para magpakabusog. Maski tight ang budget, pwedeng kumain nang parang reyna sa mga nadiskubre niyang kainan--gaya na lang unli steak sa halagang 340 pesos. Mahilig ka ba sa samgyupsal? For 319 pesos, wantusawa na ang pag-enjoy rito. Kung mga putok-batok dishes naman ang hilig, 249 pesos lang ang gagastusin.

 

ADVERTISEMENT

 

Leche Flan's the Plan!

Ang leche flan, paboritong dessert ng mga Pinoy. Pero lalo itong pinasarap ng mga twist na hindi mo aakalaing patok sa panlasa! Kasama ni Love Añover, tikman natin ang Leche Flan cake na may sari-saring flavor, ang Leche Flan Donuts, at ang nag-aagaw tamis at alat ng Lecheese Cake!