ADVERTISEMENT

Public Affairs

IJUANDER

Online raket, patok sa mga Juan? Alamin sa IJuander!

Ngayong pandemya, marami sa atin ang nakakahanap ng paraan para kahit papaano ay makaraos sa buhay sa pamamagitan ng mga online raket.

Isa ang ang Team Canlas TV sa libo-libong vloggers na kumikita na sa vlogging. Nagsimula lamang sa pag upload ng kanilang family trip hanggang sa kalaunan ay naging mukbang na ang content ng kanilang channel. Mula sa 6,000 subscribers bago mag pandemya, pumalo na sila sa halos 457,000 subscribers sa kasalukuyan. More follower, more views at siyempre more income.

 

Hindi lang mga ordinaryong tao ang nahuhumaling sa vlogging. Pati mga artista sa TV at pelikula umeksena na rin sa mundo ng Youtube.

Isa ang komedyanteng si Rufa Mae Quinto sa naapektuhan ng pandemya. Halos nahinto lahat ng projects ng aktres. Pero imbis na huminto, ipinagpatuloy ni Rufa Mae ang pagpapasaya sa mga tao sa pamamagitan ng kanyang mga social media channels.

Kumusta naman kaya ang vlogging ni Ruffa sa kanyang bagong buhay sa America?

 

 

Bukod sa vlogging, isa rin ang live streaming sa pinagkakaabalahan ng ilan sa atin. Ang entertainers na sina Peachy at Ryan aka Lady Anthrax, sinubok din ang live streaming. Performance level pa rin kahit hindi na sa entablado kumakanta. Ang importante raw kasi dapat pagtatapos ng araw meron paring kita.

ADVERTISEMENT

Pero ang ilan sa ating mga Ka-Juander tila kumapit sa swerte at sumugal na lang sa online sabong. Naging laman ng social media ang salitang “talpak” na ibig sabihin ay tumaya. Si Aizel, isang ahente sa online sabong. Dahil marami ang tumatalpak sa kanya, nakabili na raw ng bahay at sasakyan. Pero kabaliktaran naman ang nangyari kay Luke na tumataya sa online sabong. Nawalan na ng mga kagamitan, iniwan pa ng asawa.

Usap usapan din ngayon ang mga “play to earn” online games. Isa ang ka-Juander natin na si Choi na naglalaro na, kumikita pa!

Anong laro kaya ito mga ka-Juander?

Samahan sina Susan Enriquez at Mark Salazar ngayong Linggo 7:45pm sa GTV at alamin ang mga kwento sa iba’t ibang “Online Raket” sa bayan ni Juan