ADVERTISEMENT

Public Affairs

Away Kapitbahay, Caloocan City Murder Case, tutukan sa 'Imbestigador' ngayong Sabado

 



IMBESTIGADOR: CALOOCAN CITY MURDER CASE
Sa pagganap nina David Licauco at Jao Mapa 

ADVERTISEMENT

August 28, Sabado 4:45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang

 

 

Nito lamang ika-dalawampu ng Hulyo, isang krimen ang nakunan sa closed circuit television camera o CCTV sa Barangay Twelve, Caloocan City. Pinagsasaksak ang tatlong magkakapatid na sina Jhunel, Jefferson at Joshua Talan pati na ang tiyahin nilang si Angelica.  Napuruhan ang binatang si Jhunnel, kahit nagawa siyang isugod sa ospital ay tuluyan siyang binawian ng buhay.

Sa resulta ng medico-legal, mga saksak sa kanang dibdib ang naging dahlilan ng pagkamatay ng biktima. Ang salarin sa krimen -- ang kapitbahay nilang si Matias Avenido Jr.

Ano ang naging sanhi ng sigalot sa pagitan ng magkakapitbahay? Mapanagot kaya sa batas ang taong nasa likod ng pagpatay kay Jhunnel?

Sundan ang mga detalye ng kasong ito sa pagganap nina David Licauco at Jao Mapa sa Imbestigador ngayong August 28, Sabado 4:45 ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.