ADVERTISEMENT

Public Affairs

Ang kalansay sa Guimaras, sisiyasatin sa 'Imbestigador'

IMBESTIGADOR:

ANG KALANSAY SA GUIMARAS

Sa pagganap nina Barbara Miguel, Royce Cabrera,

Jeffrey Santos at Adrian Alandy

November 13, Sabado 4:45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang


ADVERTISEMENT

Sa isang gubat sa  isla ng Guimaras, natagpuan ang kalansay ng tao. Nakita rin sa crime scene ang mga damit pambabae na maaaring pagmamay-ari ng biktima.

Sa pamamagitan ng damit, tinukoy ng kanyang mga kaanak ang pagkakakilanlan ng mga labi. Siya ang labing-anim na taong gulang na dalagitang itatago namin sa pangalang Lovely. Ang biktima, pitong buwan na pa lang nawawala.

Paano sinapit ni Lovely ang karumal-dumal na katapusan? Sino ang pumatay sa dalagita?

Tutukan ang mga detalye sa kahindik-hindik na kasong ito sa pagganap nina Barbara Miguel, Royce Cabrera, Jeffrey Santos at Adrian Alandy sa Imbestigador ngayong November 13, 2021, Sabado 4:45 ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.