ADVERTISEMENT

Public Affairs

Isabela Homicide Case, sisiyasatin sa 'Imbestigador'

IMBESTIGADOR: ISABELA HOMICIDE CASE
Sa pagganap nina Soliman Cruz, Joaquin Manansala at Melissa Mendez

September 11, Sabado 4:45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang

 

 

ADVERTISEMENT

 

Panggugulpi ang inabot ng limampu’t pitong taong gulang na si Tonying Albay sa tapat mismo ng kanyang bahay sa barangay Divisoria, Santiago City Isabela. Isinugod pa siya sa ospital ng kanyang pamilya pero tuluyan siyang binawian ng buhay.

Katiwala sa isang sakahan si Tonying maging ang kapitbahay niyang si Caloy Ordanza. Naging mabuti ang relasyon ng dalawa. Halos anak ang turing ni Tonying kay Cristobal.

Pero noong ika-labimpito ng Hulyo, sinugod ni Caloy si Tonying at binugbog.

Paano humantong sa karahasan ang minsang mabuti nilang samahan?

Sundan ang mga detalye ng kasong ito sa pagganap nina Soliman Cruz, Joaquin Manansala at Melissa Mendez sa Imbestigador ngayong September 11, Sabado 4:45 ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.