ADVERTISEMENT

Public Affairs

Pangasinan rape with homicide case, sisiyasatin sa 'Imbestigador'

IMBESTIGADOR

PANGASINAN RAPE WITH HOMICIDE CASE

Sa pagganap nina Inah de Belen at Jay Arcilla

ADVERTISEMENT

January 8, 2022 Sabado 4:45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang


Sa kagustuhang makatulong sa pamilya, kinagat ng labing siyam na taong gulang na si Catherine Cuison ang alok na trabaho ng isang lalaki sa Pangasinan. Mamamasukan daw siya bilang isang kasambahay.

Pero isa pala itong patibong. Dahil ang dalaga bigla na lang nawala at hindi na matawagan ng pamilya.

Matapos ang apat na araw na paghahanap, sa tulong ng isang concerned citizen, natunton ang lugar na pinagdalhan kay Catherine.

Hindi kalayuan sa kubo, tumambad ang wala nang buhay na katawan ng biktima. Hubo’t hubad at halos naaagnas na ang kanyang katawan.

Sa patuloy na imbestigasyon ng mga pulis, isang birth certificate ng isang lalaki ang natagpuan malapit sa pinangyarihan ng krimen.

Ano ang kinalaman ng lalaki sa nangyaring karumal-dumal na pagpatay? Paano sinapit ni Catherine ang malagim na katapusan?

Tutukan ang mga detalye sa kasong ito sa pagganap nina Inah de Belen at Jay Arcilla sa Imbestigador ngayong January 8, 2021, Sabado 4:45 ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.