ADVERTISEMENT

Public Affairs

General Santos rape with murder case, sisiyasatin sa 'Imbestigador'

 

 


BATA SA GUBAT: GENERAL SANTOS  RAPE WITH MURDER CASE
Sa pagganap nina Mon Confiado, Kyle Ocampo, Jenzel Angeles at Lovely Rivero

April 30, 2022, Sabado 4:45pm

ADVERTISEMENT

 


Naglahong parang bula ang limang taong gulang na si Xyralyn Sumalinog. Sinuyod ng mga kaanak ng paslit ang kanilang lugar pero bigo silang mahanap si Xyralyn.

Hanggang tuluyang matuldukan ang kanilang paghahanap. Pero wala nang buhay na natuklasan ang katawan ng batang biktima. May busal sa bibig at walang saplot pang-ibaba nang matagpuan sa masukal na bahagi ng General Santos City nitong ika-dalawampu’t anim ng Marso.

Ano ang tunay na sinapit ng biktima? Sino ang nasa likod ng krimen?

Tutukan ang mga detalye sa kasong ito sa pagganap Mon Confiado, Kyle Ocampo, Jenzel Angeles at Lovely Rivero sa Imbestigador ngayong April 30, Sabado 4:45 ng hapon.