ADVERTISEMENT

Public Affairs

‘New Normal’

‘Family Time’ with Drew Arellano, ngayong Biyernes na!

 

FAMILY TIME WITH DREW ARELLANO
FRIDAY, JULY 24, 2020

In times of community quarantine, uwian na. Dahil kapag krisis, priority ang pamilya!

Paano kaya nakapag-adjust ang professional biyahero nating si Drew Arellano? Two boys and a new born baby girl, siguradong challenging ito. 

Makakasama niya ang kanyang asawa na si Iya sa pagkuwento ng mga naranasan nila ngayong pandemic.

ADVERTISEMENT

Naging challenging din para sa Kapuso actress na si LJ Reyes ang pag-aalaga at pagpapalaki sa kanyang 10-year-old son at 1-year old daughter. 

Ibabahagi niya kung paano nila ipinaliwanag ng kanyang partner na si Paolo Contis sa kanilang panganay ang pandemya. At dahil up close at personal 24/7 ang kanilang pagsasama, mayroon ding tampuhan moments na kanyang ikukuwento.

Level up naman ang disinfection ng isang mama dahil may disinfection cubicle pa bago pumasok ng kanilang bahay. 

Madalas ang mga “alay” o mga naatasang mamili ng kailangan sa bahay ay ang mga Tatay. Alamin natin kung successful ba or epic fail ang grocery challenge ng ilang mga Papa.

Abangan ang lahat iyan ngayong Biyernes with Papa Drew Arellano, July 24, 8:30pm sa GMA News TV, because Family Time is the best time!