ADVERTISEMENT

Public Affairs

'New Normal'

#RelationshipGoals sa panahon ng pandemya, mapapanood sa ‘Family Time’!

 

New Normal: The Survival Guide
Family Time
August 7, 2020

Kahit panahon ng pandemiya, posible pa rin ang pag-ibig! Iba’t ibang kuwento ng pagmamahal ang ibibida sa Family Time.

Naging stranded kasama si crush sa Baguio? Kakilig siyempre! At para kina Jex at Zaldy, ang enhanced community quarantine ang naging susi para sila’y magkatuluyan.

Bawal ang mass gatherings kaya papaano na ang mga nais magpakasal? Buti na lang na if there’s a will, there’s a way. Kilalanin ang isang couple na kahit maraming pagsubok ang pinagdaanan, natuloy ang kasal!

Para naman kay Drew, isang kuwentuhan session kasama ang mga expecting parents. Ibabahagi niya ang kanyang tips mula sa karanasan nila ni Iya tungkol sa panganganak ngayong pandemiya. At isang warm welcome para sa kanilang baby girl na si Alana!

ADVERTISEMENT

Kapag umabot sa 50 years nang kasal, aba siyempre dapat ipagdiwang ito. Sa halip na isang major celebration, iba ang naging style ng Golden Couple na sina Nanay Nitang at Tatay Boy. Alamin din kung ano ang sikreto nila para sa isang talaga namang kahanga-hangang pagsasama.

Abangan ang lahat iyan ngayong Biyernes 830pm dahil Family Time is the best time!

 

(English)

From friends to lovers, all it took was to be stranded in Baguio for Jex and Zaldy to fall in love. Meanwhile for Yves and Criselle, an intimate wedding turns out to be so much better than a big wedding. As for Drew, he found love with his baby girl, Alana.

It’s another baby in Casa Arellano. Love is in the air on Family Time this Friday at 830pm!