ADVERTISEMENT

Public Affairs

'New Normal'

Iba’t ibang home quarantine stories, alamin sa ‘Family Time!’

Family Time
Home Is Where the Heart Is
August 21, 2020

Stay at home ba kayo? Dapat lang! Pero hindi kailangan maging boring ang life sa bahay sa new normal. May comedy, may adventure at siyempre, may drama! Ang mga home quarantine stories ang tampok ngayong Biyernes sa "Family Time".

Sa halip na bumiyahe sa buong Pilipinas, handang-handa si Papa Drew na mag-ikot sa kanyang bahay! Isang home tour ng Casa Arellano ang ibabahagi niya. Nakapunta na ba kayo sa Great Wall of Alana?

ADVERTISEMENT

Samantala, alamin naman natin ang pinagkakaabalahan ng iba pang Kapuso Stars mula sa kani-kanilang mga bahay. Ang beauty queen na si Michelle Dee, online gamer pala! Si Jasmin Curtis, kahit malayo sa pamilya, naging abala sa mga alagang-hayop at sa kanyang charity. Si Betong Sumaya, nagawang comedy ang buhay solo tuwing lockdown. At isa sa mga bida sa kuwento niya ay ang kanyang “Laba Serye”!

Pero may mga ilan na piniling gawing tirahan ang ibang lugar. Sa Siargao Island tumungo si Ara bago mag-lockdown. Paano niya nagawang makabuluhan ang pananatili niya rito ng halos limang buwan? Sa Coron, Palawan naman bumiyahe si Terrence kung saan ang turing na sa kanya ng mga Tagbanua ay pamilya.

Kung karamihan ay stay at home, ang istorya naman ng OFW na si Abu ay ang paglalakbay niya pauwi sa kanyang asawang si Joan at Baby Ameer. Magkaka-happy ending kaya ang pamilya?

Abangan ang lahat ng iyan ngayong Biyernes 830pm dahil Family Time is the best time!

(English)

Drew Arellano goes on a home tour of Casa Arellano. Kapuso Artists such as Michelle Dee, Jasmin Curtis and Betong Sumaya share their home quarantine stories. For the likes of Ara and Terrence, they went on their own journey and found homes away from the metro. Meanwhile, will OFW Abu be able to come back home to the loving arms of his wife and baby boy? Home is definitely where the heart is this Friday, 830pm on "Family Time"!