ADVERTISEMENT

Public Affairs

'Bright Side'

TikTok with a heart at surprise wedding proposal, abangan sa 'Bright Side'!

 


“TIKTOK WITH A HEART ,  LDR COUPLES   at ISANG SURRPRISE PROPOSAL NGAYONG MARTES SA BRIGHT SIDE!”

Isa ka ba sa nahuhumaling sa Tiktok?  Lalo na nang nagsimula ang lockdown, talagang pumatok ang online application na Tiktok. Ang mga sikat nating Kapuso kanya-kanyang paandar: Mula family affair ng mga Pacquiao, nakakatawang couple bonding ni Gardo Verzos, nakaka-aliw na wardrobe changes ni Heart Evangelista at kung anu-ano pa. Pero may ilan tayong Kapuso na ginamit ang Tiktok hindi lamang pantanggal bagot kundi para makatulong sa kapwa. Nakilala ng Bright Side ang isang Tiktoker na Kindergarten Teacher na dahil sa Tiktok nakalikom ng pondo para mapatayuan ng tindahan ang isang lola na madalas niyang bilhan ng nilalako nitong lumpia. Isa namang Tiktoker na kahit  putol ang kamay at paa ay idinadaan sa Tiktok ang online selling para maipamahagi sa kapwa PWD ang kanyang mga blessing.

Hindi naging madali para sa magkakasintahang LDR o nasa Long Distance Relationship ang taon na ito. Dahil kasi sa pandemya,  nagdeklara ng travel ban ang gobyerno na nagbabawal munang bumiyahe palabas at papasok ng  bansa. Pero ang Bright Side sa kabila nito:  walang pag-ibig na sumusuko! Tulad ng Kapuso Actress na si Glaiza de Castro na nasa United Kingdom ang nobyo na si David. Exclusibong ikinuwento ni Sang’re Pirena ng Encantadia ang kanyang LDR Love Story sa Bright Side.

ADVERTISEMENT

At isang nakakakilig na magkasintahan  na sina Mickey na nasa Washington, USA at si Belle naman na nasa Oslob, Cebu ang nagpaiyak kay Kara sa tuwa!  Dapat daw ay muling magkikita ang dalawa ngayong taon pero naudlot dahil sa pandemya. May balak na kasi si Mickey na magpropose kay Belle.  Sa tulong ng Bright Side, tinupad ito ni Mickey. Kinutsaba ng binata ang pamilya ni Belle sa Cebu para kahit magkalayo sila ay magawa pa rin niya ang surprise proposal para sa minamahal.

Sa Good Eats, ibang klaseng hamon ang magaganap: Isang Flip Challenge!  Todo sa outfit ang Bubble Gang cast na si Archie Alemania dahil akala niya ay Fliptop Challenge ang pinasok niya. ‘Yun pala ay isang Flip Challenge sa paggawa ng French Dessert na Crepe kasama si Kara! Sino kaya ang magwawagi sa kanila?

Mas lalong pinasaya ang mga kwento tuwing Martes sa “BRIGHT SIDE” ng NEW NORMAL: The Survival Guide, hosted by Kara David 8:30PM sa GMANEWSTV!