ADVERTISEMENT

Serbisyo Publiko

MRT3, naglabas ng panuntunan sa mga bagaheng papayagan sa loob ng tren

Inilabas ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) nitong Sabado ang ilang mga panuntunan hinggil sa mga dalang bagahe o hand-held baggage na maaaring bitbitin o isakay sa tren.

Batay sa ulat ni Mao dela Cruz sa Super Radyo dzBB, ang mga sumusunod ay maaaring isakay sa tren matapos ma-inspection:

  1. mga package na hindi hihigit sa 2ft. X 2ft. ang laki
  2. mga stroller na nagdadala ng mga sanggol na wala pang 2-anyos
  3. folding bike na maayos na nakatupi at may mga gulong na hindi hihigit sa 20 pulgada ang diameter
  4. gift-wrapped items na dumaan na sa inspection
  5. mga inumin (beverages); mga sariwang karne, isda, at mga sauce na selyado (properly sealed)
  6. mga mahahabang bagay na hindi hihigit sa 5 feet ang haba
  7. ADVERTISEMENT

  8. mga alagang hayop basta nasa carrier na hindi hihigit ng 2ft. X 2ft.
  • kailangan isang alagang hayop lamang sa isang pasahero,
  • hindi dapat pakainin ang mga ito habang naglalakbay
  • ang carrier na naka-lock ay hindi dapat ilagay sa mga upuan ng pasahero, at
  • ang may-ari ng alagang hayop ang maglilinis kung may kalat  habang naglalakbay

 

—LBG, GMA News